Hindi ko alam kung saan ba galing itong Pinewood na brand ng MTB. Nakakapagtaka lang din kasi madami dami na din ang nagtatanong sa akin ng tungkol dito sa Pinewood 29er mountain bike.
Nasa P7,700 ang price na nakikita ko sa MTB na ito.
Wala kasing nagpopost ng complete specs nito kaya hindi ko din sigurado yung bawat specs.
Ang alam lang natin ay:
- 29er – 29er yung wheelset niya. Siguro ay 29er version ito nung Pinewood XC100 na 27.5 naman.
- Alloy frame – alloy na yung batalya kaya okay na din. May ibat-ibang kulay din na mapagpipilian.
- Size 15.5 at size 17 – may sizes pala ito na mapagpipilian. Okay yung 15.5 para sa mga hindi katangkaran na mga bikers.
- Internal cabling – naka-internal cabling na, sa loob ng top-tube dumadaan yung kable ng shifters. Malinis tignan, ganitong style na din yung makikita mo sa mga mas mahal na bikes.
- 3×8 speed – tatlo yung plato ng chainring sa unahan at walo naman sa cogs sa likod.
- Altus parts – Shimano Altus parts daw. Pero hindi ako maniwala. Combo-shifter lang naman itong bike na ito kaya hindi naman Altus yung shifter. Yung rear derailleur lang yata ang Shimano Altus dito, mataas lang ng konti sa Tourney yun. Yung front derailleur, di ko alam kung ano.
- Mechanical Disc Brakes – naka-mechanical disc brakes na itong MTB na ito. Sa presyo nya na P7,700 tama lang na hindi mag-expect na nakahydraulic brakes na ito.
- Suspension fork with lock-out – may lock out na yung fork kaya okay na din. Coil spring pa ito.
Yung stock na gulong, medyo parang pang trail ang dating. Hindi lang natin alam ang brand.
Pansin ko lang, bakit kaya puro naka non-drive side yung mga pictures nitong bike na to ang nakikita ko. Ayaw ba nila ipakita yung crank at front derailleur? Hmmm. 🤔
Kung ako lang ang nagbebenta ng bike, ililista ko lahat ng tamang impormasyon sa bawat specs nito para alam agad ng gusto bumili. Pwera na lang kung may ayaw akong malaman ng bibili sa specs nito. Ganun yung tingin ko dito sa Pinewood 29er.
Mura naman siya, okay na din dahil alloy frame na, 3×8 speed na, may lock-out yung fork at Shimano na yung pyesa. Sa halagang P7,700 maganda na din dahil naka-internal cabling pa yung frame.
Kung naiko-consider mo itong Pinewood na 29er, pwede na din siya pero subukan mo pa din tumingin sa ibang budget 29er. Ang ilan pang 29er na sa tingin ko ay okay na bilihin ay yung Trinx M520 at yung Trinx Q500.
Update sa Pinewood XC100 29er specs:
- Frame: Alloy 15.5 Internal Cable
- Fork: Manual Lock Out
- Handlebar: Oversize 31.8
- Stem: Pinewood 31.8 Alloy
- FD: Shimano Tourney
- RD: Shimano Altus
- Cogs: Shimano
- Shifter: Shimano Rapid Fire 8S
- Tires: Wanda 29 x 1.95
- Brakes: Dual Disc Brake
Specs kopya sa Mr bike.
Featured image grabbed from John Mark Cruz.
Hi kuya ian
Balak ko po sanang bumili ng bike nitong summer kaso 13k lang po ang budget ko gusto ko po sana yung naka internal cabling na po hydraulic brakes na sulit at maganda ang quality ng brand meron po ba nito?
Help naman po
9-10 speed na rin po sana
Trinx B700, sulit ang pera mo dun.
thaks po kuya ian
yung FOXTER ft 306 kuya ian sulit na po kaya ito sa presyong 14k dahil naka 9speed na din po ito naka internal cabling at naka alivio na po. problema ko nga lang po yung 9 speed nya baka katumbas lang di ng nasa 8speed parang useless na lang din po yun at yung crank po sa pagkakakita ko sa blog nyo suolo po ang nakakabit di ko sure kung magandang brand po ito dahil ngayon ko lang po nadinig
ano din po kayang size ng crank ng foxter 306
hindi ko lang sure pero baka 42-32-22 yan
ok na din yun, sulit na din kasi naka Alivio parts na. pero kung makakahintay ka, may latest na lalabas sa Trinx na mga naka internal cabling na, pwedeng iupgrade mo na lang yun sa Alivio para straight groupset ka at pang 9-speed talaga yung cogs.
Tampered na po ba ang head tube nyan?
Meron po kaya nyan sa Cavite?
Sir Ian, can you suggest a budget 29er for a budget of 9k below? Thanks!
Trinx Q500 no doubt.
E Kapag itinaas ko yung budget ko sir ng 13k?
sa 13k Trinx B700, dabest na choice na yun
kamusta namn boss ang SIMPLON 6.1 29er maraming salamat sa ibibigayat mgabinigay mo panginfo
ok din yung specs nya, kung trip mo yung porma ng batalya, hindi na din masamang choice kasi panalo na din naman sa specs.
Sir pa review po ng foxter mckinley 8.0. At anong size ren po ng crank set niya. Salamat
may ginagawa akong post about this, di ko pa natatapos pero subukan ko na matapos na agad para maipost ko na.
tanong lng sir.. like ko kumuha ng MTB. yung trinx q500.. avail pa ba un sa market. and meron kb marecommend ng other 29er.. yung 17″ almost 5’8″ kasi height ko.. wala kasi ako mhanap / idea.. 8-10k budget..
oo available pa yan, kahit size 16 nga pwede yan sayo, magkasing height lang tayo no issue yan kung 17 o 16, pasok pa yan sa height mo, good choice yung q500, upgrade mo lang sa hydraulic brakes pasok pa din sa budget mo yun at swabe na yun.
nag ikot ako around quiapo wala daw sila sir 🙂 hahah like n like ko p naman datingan ni q500. other models meron kb mrecommend na 29er
meron pala akong ginawang video about sa mga 29ers ni Trinx, check this out:
https://www.youtube.com/watch?v=KdKZQlrqYhI
thanks boss hahah pilitin ko tlga hanapin si q500 heheh
Kapag lait sa mala- manggang fez nya, taga dos agad? Kaloka..pwede bang nagsasabi mo ng mga nakikita ng mga malilinaw na mata? Maka-react ka naman e parang manager ka nya. Kuya Germs kaw ba yan?
what?? hahah 😅😂
Sir pa review naman po ng sinister integra. Thank you
ngayon ko lang narinig to ah, sige gawan natin yan.
Boss may nakikita ako sa Lazada na brand ng bike na Nitcore at XIX affordable naman yung price nya. Anu kaya masasabi niyo dun?
ung murang mga ganyan pansin ko dyan hindi pa shimano yung mga pyesa kasi e. palitin agad.
Sir ian. Foxter mckinley 8.0 pa review po sir. Pleasee. May balak po kasing akong bumili niyam. At anog size ren po ng crank set niya.
kakapost ko lang, pasensya na kung natagalan. about sa crank size, di ko lang sure kung 44-32-22 siya or 42-32-22
kaninong po itong gawa na pinewood bike china po ba ito?
di ko lang sigurado pero parang oo
recommended budget MTB bike (13k Below) for 6ft n tao?
Patulong naman gusto ko bumili ng bike sa budget 20k.anu kaya maganda kong bilhin?5’9 ako.
sa big name brands ka pumili kung more than 20k budget mo, cannondale giant or merida
Sir ian ung ryder brand…made in china din b?
china din ata
Bossing Yong Foxxer Mateo 4.0 b n bike San gawa?pwd b s trail Yan?
tingin ko china, di natin alam kung saan galing yung brand kung ultimo pati foxter kinopya na lang din, tingin ko pwede naman ipang trail yun basta easy and light trails lang
Sir Pa review po ng Pinewood Hero (12SPD)
walang access
sir pareview naman pinewood normandy 1.0, salamat👍
sir preview naman pinewood normandy 1.0 salamat👍
Kakasya po ba dito ung 700x25c na gulong?
Pinewood Storm 29er/P7500
Alloy frame
Lockout fork
3×8 speed
Disc brake
Shimano rapid fire/RD/FD
Alloy seat post/handle bar/stem
Sealed bearing BB
Quick release hub
Double wall alloy rim
Tire 29×1.95
WANDA KING po ang tire nito
Pareview naman nito mga boiss or anu masasabi nyo dito?
2020 PINEWOOD MTB TRIDENT
MODEL:TRIDENT 2.5 FLUX
SIZE:27.5/29 SMALL/MEDIUM
TIRE:CST JET 27.5×1.95 29×1.95
FRAME:STRONG INTERNAL CABLE + SMOOTH WELDING + PUTTY TRIPLE BUTTED 6061 T6
FORK:ALLOY COIL FORK WITH LOCKOUT 100MM
DRIVETRAIN:SHIMANO M2000 ALTUS 3×9
CASSETTE SPROCKET:40T
BRAKES:SHIMANO MT200 HYDRAULIC
SADDLE:AUTHENTIC VELO COMFORT
CRANKSET:3X9
COCKPIT SET:ALLOY 6061 T6 720MM HANDLE BAR 60MM STEM 31.6 SEATPOST
GRIPS:SILICON
SRP:27.5/P15000
29er/P15500
Ano po mas maganda rb or cx? And ano po marerecommend niyo?
Hi pano kayo ma contact plan sana mag supply ng pinewood na bike sa cebu