New Ltwoo Components

Mga bagong labas na Ltwoo components

Last week naimbitahan kami ng Ltwoo sa kanilang product launching ng mga bagong Ltwoo components na magiging available na sa market natin.

LTWOO Elite RD

LTWOO Elite RD ang bagong rear derailleur from Ltwoo.

Capable na ito na mag-clear ng 46T at 50T na cassette sprocket, kahit hindi na gamitan ng RD extender/goatlink.

Dati kasi yung A3, A5, A7, at AX na rear derailleurs, sagad na yung 40T sa kanila as stock. Pwede pa magamitan ng mas malaking cassette pero kailangan na gumamit ng goatlink o extender.

Itong bagong LTWOO Elite RD, no need na.

Available ang LTWOO Elite RD sa models na:

  • LTWOO AT1
  • LTWOO AX Elite
  • LTWOO A7 Elite
  • LTWOO A5 Elite

Sa bagong LTWOO mechs, binago din ang construction ng mismong derailleurs.

  • Alloy na ang materials, hindi na plastic kaya matibay.
  • Pinahaba ang cage para makapag clear ng malaking cassette.
  • Nilagyan din ng mas malaking pulley.
  • Mas mahaba at mas matibay na B-screw.

Yung Ltwoo A5 Elite RD ay hanggang 46T lang ang kaya. Yung A7 at AX Elite naman ay hanggang 50T.

Ganun pa din, available pa din sa ibat-ibang kulay.

Yung top of the line naman na Ltwoo AT1, may Elite variant na din. Max 50T din, same improvements, at carbon na ang cage.

A5 LTWOO Elite RD

 

  • 9 Speed
  • Maximum 46T
  • Stand Alone
  • No RD Extender Required
  • Compatible with Shimano
  • SRP: 800 php

A7 LTWOO Elite RD

  • 10 Speed
  • Maximum 50T
  • Stand Alone
  • No RD Extender Required
  • Compatible with Shimano
  • SRP: 1,000 php

AT1 LTWOO Elite CARBON RD

 


  • 11 Speed
  • Maximum 50T
  • Stand Alone
  • No RD Extender Required
  • Compatible with Shimano
  • SRP: 2,350 php

Ltwoo Crankset

Isa pa sa bagong release na Ltwoo product ay ang Ltwoo 1x crankset.

Single chainring crankset lang ang mga ito, pero may kasama ng bottom bracket.

Similar sa design ng Shimano Hollowtech, pero mas affordable ang cranks na to.

May tatlong pwedeng pagpilian, ibat iba ang presyo.

Alloy crank arms, 170mm ang arm length, 104bcd, at may options kung 34T o 36T na chainring.

LTWOO 1X Crank Set 712 with BB

  • 1X Narrow Wide Crank
  • Alloy Arm
  • 36T Chainring
  • With Hollow BB
  • Glossy Black
  • SRP: 2,350 php

LTWOO 1X Crank Set 411 with BB

  • 1X Narrow Wide Crank
  • Alloy Arm
  • 34T Chainring
  • With Hollow BB
  • Glossy Black
  • SRP: 1850 php

LTWOO 1X Crank Set 411 with BB

  • 1X Narrow Wide Crank
  • Alloy Arm
  • 36T Chainring
  • With Hollow BB
  • Glossy Black
  • SRP: 1850 php

Para sa mga budgeted pero nais mag 1x setup, tingin ko swak to sa budget nyo.

Tungkol sa weight ng mga pyesa na yan, hindi ko pa alam.

Medyo interesado ako sa 1x na crankset, sana ay mabigyan tayo ng chance na ma-review din yun.

Ito na siguro ang simula ng pagdating ng Ltwoo groupset.

Yung Ltwoo A7 ko na nakakabit sa bike ko, hanggang ngayon ay ok pa naman kaya malaki ang bilib ko sa Ltwoo kasi subok ko na.

For more info about LTWOO components, check out my previous article: All About LTWOO Components

For a list of bikeshops that are LTWOO dealers, visit this link.

For latest Ltwoo news, follow Ltwoo on facebook.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Jhaypee28 March 15, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    2. Mon March 16, 2019
      • Ian Albert March 17, 2019
        • Ian Pacaldo March 30, 2019
    3. Jovan Cardeno March 21, 2019

    Leave a Reply to Mon Cancel reply