Ang dami na nagtatanong sa akin kung maganda na daw ba bilihin itong Merida Big Seven 600 na 2018 model, sa post na ito, susubukan nating sagutin yan.
Wala ako nitong bike na ito, pero dahil madami din sa akin nagrerequest na gawan ito ng review, gagawan na natin kahit papaano. Susubukan natin bigyan ng verdict kung maganda na nga ba bilihin ito, o may iba pa na mas sulit bilihin.
Sa Merida, may Big series sila, Big Nine ang tawag sa 29er, Big Seven naman sa 27.5. Yung number na kasunod, habang tumataas, umaangat din ang specs at syempre, pati na din yung specs.
Ito yung specs ng Merida Big Seven 600.
Merida Big Seven 600 (2018) Specs
Frame
- FRAME: BIG.SEVEN TFS
Fork
- FORK: Manitou Machete Comp 100mm travel air fork with tapered steerer, 15mm bolt through axle
Drivetrain
- DERAILLEUR REAR: Shimano SLX Shadow
- SHIFTERS: Shimano SLX 11 speed rapid fire with I-Spec II adapter
- BRAKE LEVER: Shimano M315
- BRAKES: Shimano M315 hydraulic disc, 180mm / 160mm rotors
- CHAINWHEEL: Shimano SLX 30 teeth
- CHAIN: KMC X11-1
- FREEWHEEL: Sunrace CSMX80, 11 speed, 11-50 teeth
Wheelset
- HUBS: Sealed bearing 15mm bolt through front and Shimano 4050 quick release rear, centerlock
- RIM: MERIDA BIG.NINE Comp CC
- TIRES: Maxxis Ikon 27.5 2.2″ folding
- SPOKES: Black stainless
Misc
- HANDLEBAR STEM: MERIDA Expert 3d forged 6061 aluminium, oversize clamp 6 degree
- HANDLEBAR: MERIDA Expert CC 720mm wide flat
- HEADSET: MERIDA M2331
- SEAT POST: MERIDA Comp in line 30.9mm
- SADDLE: MERIDA Sport
- PEDAL: VP, VPE-891
Merida Big Seven 600 (2018) Review
Alloy na syempre yung frame nito. May mga sizes din na mapagpipilian dito. Small, Medium, at Large. Naka-internal cabling na din.
Big Seven yung batalya, 27.5 ang swak na gulong sa kanya. Tapered na din yung headtube kaya mas maganda.
Maganda din yung fork na nakalagay, Manitou Machete. Ito ang gusto ko na fork kung sakaling maguupgrade ako ng current setup ko. Tapered na din ito, at higit sa lahat thru-axle na, mas maganda kumpara kung quick-release.
Sa drivetrain setup naman, mostly Shimano SLX parts. 1x lang ang setup nitong Merida Big Seven 600. Tamang setup lang kung gagamitin mo itong trail bike. Magaan at hindi din naman mabibitin sa ahon. 30t ang ngipin ng plato sa unahan, SLX kaya maganda talaga. Mas mataas ang SLX kaysa sa Deore groupset, kasunod na nun ang XT groupset.
Yung cogs naman, 11-speed SunRace brand na 11-50T, talagang hindi ka na mabibitin sa ahon nun. Kaya lang, yung brakes nya, medyo di bagay sa pagka-high end ng overall bike, Shimano non-series lang kasi.
Sana ay naging Deore brakes man lang sana, pero pwede na din, at least hindi na Tektro brakes yung stock brakes.
Sa wheelset naman, sealed bearing na yung hubs, Shimano ang brand, at thru-axle na yung sa harap dahil TA yung fork e. Sa likod naman, quick-release. Centerlock ang pagkakakabit ng rotors. yung rims naman, stock Merida rims, at yung tires, Maxxis Ikon na 2.2, balanse lang yun na hindi makunat ipadyak kung sa sementadong kalsada pero makapit pa din kung off-road na.
The rest na pyesa ng bike, quality Merida components na.
Merida Big Seven 600 (2018) Price
P42,000 ang SRP na nakita ko nito sa Ryanbikes. Hindi ko alam baka mas mura pa sa iba, o iba ang presyo ng ibang shops. Kasi parang may discount pa ito.
Verdict
Kung ang tanong mo, maganda na ba itong Merida Big Seven 600, ang sagot dyan ay oo naman. Sobrang ganda na nyan. Kung pasok sa budget yan, magandang choice na din yan. Medyo bias talaga ako pag Merida brand na ang pinaguusapan kasi yun ang first bike ko, at sobrang nasatisfy naman ako kahit na Big Nine 300 lang yung sa akin. Hindi naman ako nagsisi sa ginastos ko kahit medyo may kamahalan.
Kung wala ka pa masyado alam sa bike, at hindi mo naman alam mag-assemble from scratch, magandang choice na din ito kung pasok naman sa budget mo. Pero kung may kakilala ka na willing tumulong sayo na bumuo ng magandang bike sa budget mo na P40k, siguro mas okay mag assemble para straight yung kalabasan ng groupset.
Hindi ko kabisado ang presyuhan pero ito ang estimate ko na sample build:
Frame: Merida Big frame din, nasa P10k ang price nun
Groupset: SLX na latest, nasa 17k ang price naman nun, at least kung ganito, SLX brakes na din ang magiging setup mo
Fork: kung Manitou Machete din, nasa 12k ata ang presyo nun.
Sa wheelset at iba pang parts like yung cockpit, lalampas ka na pala sa 40k. Haha. Kung willing i-extend ang budget, at mayaman naman, bakit hindi. Pero kung sagad na yan, pwede na din yang built bike na Big Seven 600.
Kung more on trails ka, go with Big Seven. Kung long rides naman ang trip ng tropa, mas maganda mag 29er, kaya go with Big Nine series.
[alert-note]Photo credits to Ryanbikes[/alert-note]
Leave a Reply