Marikina-made Cycling Shoes by Mang Efren


Kung naghahanap kayo ng murang cycling shoes, yung pwedeng lagyan ng cleats, pang road bike man o pang mountain bike, nakita nyo na ba yung mga gawa ni mang Efren?

Gusto kong magpagawa dito kay mang Efren aka mang Totong. Pero gusto ko din sana na mapuntahan siya ng personal. Pwede magpagawa sa kanya kahit kontakin mo lang siya pa-text o tawag. Ipapadala mo lang yung sukat mo at bayad mo, pagkatapos kapag nagawa na niya ay ipapadala na niya yung sapatos sa address mo.

Walang hassle, mura pa. P1500 lang ang mga sapatos sa kanya basta hindi malaking size. Ikaw pa ang masusunod sa design at kulay. Ang issue lang, medyo matagal ang hintayan dahil madami din nakapila na ginagawa. 2-3 weeks na yata.

Nag message ako sa facebook ni Mang Efren, hindi pa ata niya nakikita, kaya siguro pa-text o tawag talaga ang dabest na paraan para kontakin siya. Ayos lang din pala na di pa nya nakikita yung message ko, dahil nawala na yung extra budget ko na pampagawa. Haha.

Dalawa na yung sapatos na gamit ko pang bike. Yung isa, Sandugo na flat yung ilalim, gamit ko sa MTB ko na naka flat pedals. Yung isa naman Shimano XC31 na cleats shoes, gamit ko naman kapag naka CX ako na may cleats pedals. Pero nagagandahan talaga ako sa mga gawa ni mang Efren. Naiisip ko kasi baka pagtagal mag mahal na yung presyo ng mga sapatos niya, P1500 lang kasi, napakamura talaga. Sayang naman kung hindi ako makakuha habang mura pa.

Heto yung ilan sa mga gawa ni mang Efren:











Ikaw ang masusunod sa trip mo na kulay at design. Kung may straps, o sintas, o mixed ng strap at sintas pwede din. Kung pang-MTB o pang road bike, pwede mo din mabutasan na para sa road bike at MTB in one yung cleats shoes na ipapagawa mo.

Gusto ko lang i-share ito sa inyo, dahil nakakatuwa at mayroong gumagawa ng abot-kayang cycling shoes para sa ating mga Pinoy. Gawang Marikina pa na kilala sa tibay at quality ng gawa ng sapatos. Handmade in the Philippines ika nga, kaya kung nagbabalak ka na gumamit ng cleats pedals at mag cleats shoes, support local sana mga kapadyak.

Heto ang contact info ni mang Efren:

  • Efren Ricafrente
  • https://www.facebook.com/efren.ricafrente.52
  • 025738478 / 09274132831

Disclaimer: Hindi ito sponsored post ni mang Efren, gusto ko lang makatulong sa kanya kaya nai-feature ko siya dito sa ating website. Para na din makatulong sa mga kapadyak na naghahanap ng murang cleat shoes.


  •  
  •  
  •  
  •  
      • Ian Albert December 21, 2017
    1. juris March 19, 2018
      • Ian Albert March 23, 2018

    Leave a Reply to Ian Albert Cancel reply