Lapierre Endurance Ride

Sali tayo mga paps.

Sama tayo dito mga kapadyak, malapit na itong event na ito. This May 27 na yung event, at yung registration hanggang May 12 na lang.

Last year sumama kami sa Ride Giant Endurance Ride. Same organizer lang, same concept lang din, at similar route lang.

100km na may time limit na 6-hours, kapag natapos mo, may finisher medal ka. Long ride siya, pero mostly flats lang dahil sa Jalajala dadaan, at yung extra challenge nya lang ay yung uphill sa Mabitac na hindi naman sobrang tarik dahil medyo banayad at dahan dahan lang yung mga ahon.

Sasali kami dito, kaya kung malapit kayo at kaya nyo maka-sali, sali na din kayo mga kapadyak.

Madaming sasali dito panigurado kagaya last time. Masaya ito, madami ka kasi makakasama na mga bikers pag padyak.

Pwede kayo mag-register online sa raceyaya.com o pwede din sa mga on-site registrations, nasa baba ang info. Via online na sa raceyaya ang sa tingin ko pinaka less-hassle na paraan para mag register, register ka muna tapos bayadan mo na lang gamit ang Paypal o bank deposit.

Suportahan natin ang event na ito para patuloy lang na magkaroon ng ganitong event para sa ating mga bikers.

Wag ka mag alala kung mahina ka o mabagal ka, hindi naman ito karera. Ang mahalaga dito, i-enjoy mo lang yung ride, pramis masaya sumali sa mga ganito.

Throwback muna tayo mga kapadyak sa nakaraan na Ride Giant Endurance Ride.

Naka-survive kahit papaano, kahit maulan noon mga paps.

Ride Giant Endurance Ride #throwback

Ito yung design ng shirt para sa event, mas maganda ngayon sa tingin ko. Drifit shirt din kaya pwede din gamiting pang-ride. Bet na bet ko yung kulay parang ginawa para sa Unli Ahon ah, haha.

Lapierre Endurance Ride Drifit Shirt

Ito naman yung mock-up ng medal na makukuha mo pag natapos mo yung ride.


Lapierre Endurance Ride Finisher Medal

May libreng lunch na din kaya di na masama. Ang matindi dyan, may pa-raffle pa na sponsored ng Lapierre, malas ko sa ganyan pero di masama umasa.

Ito yung ride route ng pang 100km. Mula sa oval ng Pililla, mag-ride hanggang Jalajala, puro flats lang yan hanggang Kalayaan na din tapos pag U-turn, aakyat naman na sa Mabitac, dun na mag simula yung ahon hanggang Bugarin pero bulusok na din yun, at malapit na lang makakabalik na ng finish line.

Lapierre Endurance Ride 100km

Ito naman yung ride route na pang 50km. Ok din ito para sa mga bikers na di pa sanay sa ahon, mostly flats lang ito kasi at hanggang Jalajala lang ito, babalik na lang din sa Pililla.

Lapierre Endurance Ride 50km

Woooh! Excited na, pero need muna ensayo pa para di masyado malaspag para dito.


RIDE INFORMATION

Date, Day & Time of Event: May 27, 2018, Sunday, 5am

Event Venue: Pililla Town Plaza, Rizal

Ride Distance: 100km, 50km

RIDE ROUTE: Pililia-Jalajala-Mabitac-Siniloan-Mabitac-Bugarin-Pililia

ALLOWED BIKES: Road bike,TT/Tri Bike, Mtb, Folding bike, Cyclocross, Hybrid bikes.

*ALL BIKE BRANDS ARE WELCOME TO JOIN!

REGISTRATION FEE/SCHEDULE: (Inclusive of Bike/bib numbers, event shirt, finisher’s medal, Brunch)

Registration Fee: P600.00

Registration Schedule: until May 12

Register and pay at the following:

Online: www.raceyaya.com or at

RD CYCLES: SRK building, Acropolis subdivision, E.Rodriguez, Bgy Bagumbayan, Libis QC.
Tel # (02)7386943 / 09950843513

CLAIMING OF RIDE PACKETS WILL START ON MAY 1 AT RD CYCLES.

RIDEPACKETS CAN ALSO BE CLAIMED ON EVENT DAY STARTING AT 3:00AM

For Inquiries please contact:


  • 35
  •  
  •  
  •  
    35
    Shares