Hanggat maari, ayaw ko sana mag review ng bike galing sa mga malalaking brand (no pun intended) na hindi ko naman talaga actual na inirereview. Alam nyo naman mga kapadyak na kapag wala tayong access dun sa actual na bike, sa specs at pyesa lang tayo bumabase ng opinyon natin para may matawag tayong review dito sa website natin.
Feeling ko kasi unfair sa kanila yun e.
Pero matagal na nasa drafts ko itong topic tungkol sa Giant Talon 3 na MTB. Wala din ako katropa na may ganitong bike na maaring hiraman.
Kaya pagbigyan nyo na lang sana. Nai-request lang din kasi.
Giant Talon 3 Specs
Sizes | S, M, L, XL |
---|---|
Colors | Satin Black/Neon Red, Black/Fuchsia/Blue |
Frame | ALUXX-grade aluminum |
Fork | SR Suntour XCT HLO, hydraulic lockout, preload adjust, 100mm travel |
Shock | N/A |
Handlebar | Giant Connect Trail, 31.8mm |
Stem | Giant Sport |
Seatpost | Giant Sport, 30.9mm |
Saddle | Giant Connect, Upright |
Pedals | Platform, Caged |
Shifters | Shimano Altus |
Front Derailleur | Shimano Altus |
Rear Derailleur | Shimano Acera |
Brakes | Tektro HDC M285, hydraulic disc, [F] 180mm, [R] 160mm |
Brake Levers | Tektro HDC-M290 |
---|---|
Cassette | Shimano HG31 11×34, 8-Speed |
Chain | KMC Z8 |
Crankset | Prowheel BURNER-101P, 24/34/42 |
Bottom Bracket | Sealed Cartridge, Threaded |
Rims | Giant Alloy Disc, Double Wall |
Hubs | Giant Tracker Sport |
Spokes | Stainless Steel, 14g |
Tires | Maxxis Ikon, 27.5×2.20, 60 TPI |
Suriin natin ang bawat pyesa ng Giant Talon 3:
Sizes | S, M, L, XL |
---|
Ang kagandahan sa mga big name brands, madalas talaga madaming sizes ka na mapagpipilian. Kailangan din kasi, swak sa height mo yung size ng bike. Madami ng nagkalat na MTB size height chart sa internet na pwede mo tignan. Heto naman ang sizing guide na provided mismo ni Giant:
- S: 5โ5โ ->ย 5โ8โ
- M: 5โ8โ ->ย 5โ11โ
- L: 5โ11โ ->ย 6โ2โ
- XL: 6โ2โ ->ย 6โ4โ
Ibig sabihin nyan, kung ang height ay 5’5″ hanggang 5’8″ – swak pa sa kanya ang size na small.
Frame | ALUXX-grade aluminum |
---|
Pagdating sa quality ng frame, wala ka ng duda kasi Giant na yan e. Matagal na din sila sa industriya na ito, at alam mong may tutok na engineering sila sa mga frames nila.
Alloy na ang batalya nitong Talon 3. Hindi ko alam ang eksaktong bigat.
Porma pa lang, para sa akin panalo na. Maganda din ang mga kulay na mapagpipilian (Satin Black/Neon Red, Black/Fuchsia/Blue). Naka-internal cabling na din kaya malinis tignan dahil internally routed na ang mga kable ng shifter. Meron pang kabitan ng rear rack.
Fork | SR Suntour XCT HLO, hydraulic lockout, preload adjust, 100mm travel |
---|
Suntour XCT naman ang fork nito, may hydraulic lock-out na din para pwede mo i-lock ang suspension. Nakakatulong yun kapag umaahon ka para sa bawat pwersa ng pag pidal mo, hindi ka tumatalbog. Meron din siyang preload adjustment na kung saan maari mo pa din maadjust ang play ng suspension, sa kung gaano ka-lambot ang trip mo.
Coil type nga lang itong XCT fork. Entry-level, mas maganda pa din yung XCR. Pero alam mo namang matibay dahil Suntour ang brand. Napansin ko, sa mga built-bikes na nasa ganitong price range galing sa mga big brands, ganito talaga yung forks nila.
Not bad for a start pero kung gusto mo ng mas magandang performance ng fork, lalo kung madalas ka sa trails, papalitan mo din siguro ito in the future.
Shifters | Shimano Altus |
---|---|
Front Derailleur | Shimano Altus |
Rear Derailleur | Shimano Acera |
Shimano Altus ang shifters, at fd ng Talon 3. Acera naman sa rd. 3×8 speed ang gearings nito. Very basic lang, pero upgraded ng kaunti sa Tourney na pyesa.
Hindi siya naka-combo shifter syempre dahil naka-hydraulic brakes na siya.
Brakes | Tektro HDC M285, hydraulic disc, [F] 180mm, [R] 160mm |
---|
Tektro naman yung brand ng hydraulic brakes. Karaniwan nga ito sa mga built bikes ng big brands. Kahit yung sa Merida ko, Tektro din yung brakes. Medyo hindi nga lang ako bilib sa entry-level Tektro brakes na makikita sa built bikes dahil sa naging experience ko sa Merida ko. Madalas nawawala sa align yung brake pads kaya kailangan ko pa lagi mag-align, hindi pa common sa mga shops ang nag bbleed ng Tektro brakes. Pero pag bago, maganda din naman ang performance nito, nagagawa din ang purpose nya.
Cassette | Shimano HG31 11×34, 8-Speed |
---|
Sa cassette naman, Shimano brand, okay yun. 11-34t naman ang ratio na pang 8-speed. Maganda ito kumpara sa 11-32t lang dahil may extra 2t ka sa lightest gear mo. Mas lamang ka na dun sa mga matatarik na ahunan.
Crankset | Prowheel BURNER-101P, 24/34/42 |
---|
Sa crank naman, Prowheel yung brand ng crank na mayย 24/34/42 na chainrings. Mukha namang alloy yung crank arms. May chain guard na nakakabit dito sa Talon 3.
Rims | Giant Alloy Disc, Double Wall |
---|---|
Hubs | Giant Tracker Sport |
Spokes | Stainless Steel, 14g |
Tires | Maxxis Ikon, 2.20, 60 TPI |
Pagdating sa wheelset, yung nasa picture sa website ng Giant ay Maxxis Ardent daw pero yung naka post sa specs sheet ng official website din ay Maxxis Ikon naman. Kahit ako medyo naguluhan doon. Pero pag-check ko sa Ryanbikes, yung actual nila naka Maxxis Ikon nga.
Yung Ardent kasi na tires, more on pang trails yun. Maingay at makunat kasi yun sa sementadong kalsada kasi malalaki yung knobs. Yung Ikon naman sa kabilang banda, masarap gamitin sa sementado at kayang kaya din mag handle ng trails at mga off-roads. Subok ko na dahil yun din ang stock tires ng Merida bike ko.
Alloy at double wall na yung rim kaya maganda na. Stainless na din yung spokes. Yung hubs naman, Giant branded, wala ako masabi dito pero siguro naman tatagal din itong hub na ito.
Giant Talon 3 Price
Ayon sa site mismo ng Giant, $530 ang SRP nitong Giant Talon 3. Sa Ryanbikes naman, P22,000 ang presyuhan nila. Sa totoo lang, kung i-ko-convert mo sa peso ang $530, sosobra pa iyon sa P22,000 na presyo ni Ryanbikes. Idagdag mo pa ang tax at shipping nun.
Parehas lang na P22000 ang presyo ng 27.5 at 29er na Talon 3.
Verdict
Maganda ba bumili ng Giant Talon 3?
Kung ang budget mo hanggang P22,000 lang, hindi na din masamang choice ang Giant Talon 3. Out of the box, okay na din naman yung mga pyesa nya. At syempre, yung frame at tiwala sa brand na Giant na din. Maganda yung frame niya kaya kapag gagastusan mo pa para lalo mapaganda ang mga pyesa na nakakabit sa kanya, hindi ka magsisisi.
Pogi pa, at ang angas ng dating.
Pero kung kaya mo pa naman itaas ng konti ang budget mo, makakakuha ka pa ng may mas maganda pang pyesa. Medyo mas upgraded sa stock na pyesa nitong Talon 3. Mas magandang fork, at drive train components na din.
Pero kung ako ang tatanungin, kung may budget ka, may size para sayo at Giant ang gusto mo bilihin, i-consider mo din ito.
Leave a Reply