Youtube Equipment

Ito yung mga ginagamit ko sa pag gawa ng Youtube videos.

Ilalagay ko dito yung mga gears/equipments na ginagamit ko sa pag gawa ng Youtube videos.

Madami din kasi nagtatanong kung anong camera ginagamit ko, anong mic, at iba pa.

Para sa mga interesado na malaman yun at interesado din na gumawa ng Youtube videos, para sa inyo ito.

Maglalagay ako ng Lazada links kung saan pwede nyo ito orderin online. Kapag nai-click nyo yung link at may binili kayo, may konting commission ako sa Lazada, pero walang extra charge sa inyo. Malaking suporta na din yun sa channel. Salamat sa inyo.

Vlogging Cameras pag may Ride

Kapag nasa ride, action cameras lang yung ginagamit ko. Madali kasi kunin, i-bulsa, at i-operate. Sapat na din yung video and audio quality para sa akin. Pinaka importante dito dapat may EIS o image stabilization yung action camera. Plus points na din kung maganda talaga ang video quality.

YI Lite

Hands-down, pinaka sweetspot sa low budget setup.

Tested ko na, at gamit ko sa mga rides pang vlog.

Ok yung audio nya basta lagyan mo lang ng wind cover hack yung butas ng mic para hindi masagap yung hangin habang nagsasalita na nakasakay sa bike. Dapat din naka-set na LOW yung MIC settings para hindi mag-peak yung audio dahil sa ingay ng kalsada.

Maganda na din ang video quality kahit na 1080p lang ang recorded footage.

All set to auto ang ginagawa ko dito para auto adjust na lang kung madilim o sobrang liwanag ng environment.

Pinaka importante dapat naka-ON ang EIS o image stabilization para hindi maalog ang video footage.

P5,900 lang sa Lazada. Sulit na sulit na.

YI 4K+

Ito naman yung pinaka high end na action camera from YI Technology.

Ginagamit ko ito kapag may trail rides kasi mas maganda ang performance ng EIS nito kesa sa YI Lite.

Hindi kasing smooth ng GoPro Hero 7 Black sa “no-gimbal stabilization”, pero pwede na. Usable naman ang mga footage na kuha na chest mounted sa trails.

May support din ito na gamitan ng  external mic. Dinadala ko din ito kapag may ride na sa tingin ko mag-iinterview ako ng mga bikers, tulad ng nasa videos sa baba:

Very useful kasi yung mic support nya, maganda yung audio.

13k ang price sa Lazada. Mas mura kesa GoPro Hero 7 Black. Kung low budget, ok ito na choice. I would suggest na i-skip na yung YI 4k na model, kasi wala yung external mic support. Itong Plus version, meron. Kung low budget talaga, ok na yung YI LITE.

Insta 360 One X

Yung shots na akala nyo drone na nakasunod, ito yung gamit ko doon.

360 camera, ang maganda dito hindi kita yung selfie stick kaya parang lumulutang yung camera.

All angles din nakukuhanan kaya endless possibilities pag ginamit sa mga rides.

P18k sa Lazada.

Main Camera at mga Lens na gamit ko

Kapag naman nasa bahay, o hindi nag-ba-bike, ito yung mga cameras na ginagamit ko. Hindi ko to dinadala sa rides kasi delikado baka masira.

Sony A6000

Ito yung pinakauna ko na mirrorless camera. Nung sinimulan ko ang channel, ito yung ginagamit ko na pang shoot ng videos. Dito ako natuto ng mga settings sa camera.

Kit lens lang pwede na pang all-around.

Pero may isa pa ako na lens na ginagamit dito, pang kuha ng b-roll at para sa mga low-light shots.

27k ang Sony A6000 sa Lazada pag may lens. Medyo outdated na din ang camera na ito, pero kung trip nyo pa din:

Minsan nag-oover heat pag mahaba ang video, pero video quality and auto focus, maganda ang performance basta marunong ka lumaro ng settings.

Sigma 30mm F2.8

Mahal kasi ang mga lente ng Sony kaya ito lang ang nabili ko dati. Pero maganda na din gamitin para sa mga b-roll shots kasi maganda yung background blur. Sharp din at may auto focus, pwedeng pwede sa talking head shots. Hindi din sobrang tight.

9k na pala to sa Lazada. Nabili ko lang to dati ng 7k kasi naka-sale.

Canon M50

Katagalan bumili na din ako ng bagong camera.

Nag Canon na ako kasi mas mura ang mga lens.

Ito na din ang pinaka dabest na choice na nakita ko na swak sa pangangailangan ko.

Hindi din sobrang mahal.

Yung kinita ko sa Youtube, pinangbili ko nito.

Hindi ako bumili sa official na Canon kasi sobrang overprice. Nasa 45k, nung nabili ko yung akin, 31k lang. Malaking bagay na din yung natipid na 14k sa parehong package lang naman.

14k yung warranty, pero sa experience ko sa Sony ko na camera, simula nung binili ko yun nung 2014 from official Sony, hindi ko man lang nagamit ang warranty hanggang ngayon 2019.

Eto yung best choice sa price point nya na vlogging camera.

May flip screen kaya mas madali gamitin pang vlog.

May mic input na din para sa magandang audio.

Hindi nagoover heat kahit mahaba ang video na i-shoot.

28k na lang pala sa Lazada. May kit lens na din.

Yung Sony A6000 ko, ginagamit ko na lang as b-camera pag mag shoot ng mga unboxing sa bahay. Kapag may events o vlog shoots sa mga shops, itong Canon M50 na lang ang dinadala ko.

Canon 11-22mm

Bumili na din ako ng vlogging lens para dito sa Canon M50.

Ito yung wide lens para dito. Mas wide yung nakukunan nya, kaya easy gamitin pang vlog. Pinili ko din itong EOS-M lens, kesa iba dahil sa form factor nya. Maliit at magaan. Mas trip ko kasi na lightweight lang ang vlogging rig.

16k na lang sa Lazada. 18k ko nabili yung sakin dati. Medyo may kamahalan pero sulit na din. Di hamak din na mas mura pa din kesa sa wide lens ng Sony.

Canon 50mm


Bumili na din ako ng Canon na 50mm kasi ito na yung pinaka mura na lente na may wide open na aperture F1.8 maganda gamitin sa low light.

Para din yun sa mas blur pa na background.

Ginagamit ko ang lente na to pag madilim yung shoot, at pati na din pang close up ng mga parts ng bikes, b-roll shots, ganyan.

Medyo tight nga lang yung 50mm sa APSC pero pwede na.

7k ko nabili yung sakin sa mismong Canon pero 5k lang pala to sa Lazada.

Merong mas mura na 50mm, yung Yongnuo, pero sa research ko, mas sulit ang Canon dahil sa built quality.

Viltrox Adapter

Para magamit ko yung 50mm na lens pang DSLR sa mirrorless ko, need ko itong adapter na to.

Merong “speedboster” nitong adapter na to, pero masyadong mahal na, nasa 8k.

Para sa akin naman ay ok na itong regular adapter, importante nagagamit ko yung lente.

1.4k ko nabili.

Audio equipment

Sa pag gawa ng Youtube videos, pinaka importante yung audio talaga. Ito naman yung mga audio equipments na gamit ko sa videos ko.

Vlogging Mic

Boya lang yung mic na gamit ko. Mas mura kasi kesa sa katulad nya sa RODE. It does its job naman. Gamit ko ito pag mag vlog ng mga events at kapag sa bahay na din.

700 pesos lang sa Lazada. Around 2k to pag bibilihin sa mga camera stores, nag try ako mag canvass sa Hidalgo kaya mas ok pa sa Lazada bilihin. Sulit na investment na din.

Pwede pa gamitin sa cellphone at camera dahil dalawa yung audio cable.

Lapel Mic

Ito naman ginagamit ko pag sobrang ingay ng paligid.

Para din mas maganda ang audio ng talking head shots.

Yung Boya Mic na nasa taas kasi directional mic yan. Kung saan nakatutuok yung camera, doon lang may magandang audio.

Itong lapel mic, kahit saan pa nakatutok ang camera, meron tayo maayos na audio.

Mumurahin lang na lapel mic ang meron ako. Unbranded.

250 ko nabili dati, hanggang ngayon ay no issues pa din.

Parang di ko kasi ma-justify yung tig 2k na lapel mic e.

Pero planning na ako mag upgrade sa RODE Wireless Go in the future, medyo may kamahalan nga lang, 15k yun pag binili satin.

Gamit ko itong lapel mic na to sa Canon M50 ko, sa YI 4k+, at sa Zoom recorder.

Meron pala mas mura sa Lazada, 40 pesos lang pero same na same sa gamit ko.

Zoom H1 Recorder

Sa kapatid ko ito, pero ako na ang gumagamit lagi.

Mas ok kasi audio pag ganito, naka lapel mic tapos dito ang record.

No need sumigaw para lang mapick up ng mic yung boses.

Di na din masyado issue ang background noice pag ganito ang setup.

Medyo hassle lang sa post production kasi extra step yung pag sync ng audio sa editing.

Kaya maguupgrade na talaga ako sa RODE Wireless Go pag naka-ipon ulit.

Pag makabili na ako ng RODE Wireless Go, di ko na need gamitin to.

5k to sa Lazada, pero kapatid ko bumili nito.

Other accessories

Ito naman yung mga iba pang accessories na ginagamit ko din.

Tripod

Syempre need mo yan para masetup yung camera at makapag shoot ka.

Sulit yung bili ko dito kasi mura lang, pero heavy duty na din.

So far di pa ako natumbahan ng tripod ever sa amin kahit na mahangin sa lugar kung saan ako nagsshoot ng videos.

Mini tripod

Ito naman yung tripod ko na pang vlog.

Hindi ako gumamit ng Joby na gorilla pod, kasi bulky masyado tapos masyadong hassle isetup.

Ito, lightweight lang at easy to setup, di pa masyadong pansinin.

Mas gusto ko tong setup na to. Madami din mas murang alternative, pero para sa akin, yung build quality at reliability nito, worth it sya sa price nya.

Field Monitor

Gumagamit din ako ng field monitor.

Yung isa ko kasing camera, walang flip screen.

Para makita ko yung nakukunan nya, need ko ng external monitor.

Ito yung gamit ko.

Kahit sa Canon M50, kahit na may flip screen na sya, basta pag mag shoot sa bahay, ginagamit ko pa din ito. Mas malaki kasi yung display nya, mas madali makita kung nasa focus ba yung kuha.

Ayan lang yung ilan sa mga essentials. Idadagdag ko na lang yung iba sa susunod, at pag may bago na akong filing gears.

Mas invested ako talaga sa filming equipments. Kasi mas mapapaganda nito at mapapadali yung production ko ng Youtube videos. Kaya malaking tulong na din yung maliit na commission na matatanggap ko sa Lazada galing sa bibili gamit ang affiliate links ko.

Yung kinikita ko sa Youtube, dito ko din dinadala kaya hindi ako masyado gumagastos ng mga para sa bike. Para sakin kasi, mas worth-it na investment ang magandang Youtube equipments kesa magandang pyesa sa bike.

Investment muna sa gamit, bago yabang ng pyesa.

Isa pa, may nag-i-sponsor naman ng mga bike items; sa camera equipments, wala. Praktikalan lang.

Bonus Tip

Personal advice ko para sa mga nais mag start ng Youtube channel nila: kung ano yung meron kayo, pwede yan.

Ang pinaka importante, simulan nyo.

Kasi kung iniisip nyo na hindi kayo makapag simula sa Youtube kasi wala kayong magandang gamit, wala talaga mangyayari.

Magsimula kayo kung anong meron kayo. Doon malalaman nyo kung ano yung mga kailangan nyo pa. Pag tagal, makukuha nyo din yung mga gusto nyo. Pinaka-importante lang talaga, mag simula.

Kung may tanong kayo, dont hesitate to leave a comment.

Ride safe mga kapadyak!


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. NJOY Life September 9, 2019
    2. Enrico Reyes Cruz August 4, 2020

    Add Your Comment