Eto na ang pang anim sa lineup ni Foxter ng mga 27.5 na MTB niya. May nakapagbanggit sa akin na ito na yatang numbered Foxter 27.5 na 1.0 pataas ang currently minamarket na Foxter bikes. Hindi na pala yung mga FT-series. Habang tumataas itong number na ito, mas tumataas ang specs at presyo.
Foxter Vinson 6.0 Specs
Frame: Foxter Alloy
Alloy na yung frame. Walang info kung ano ang sizes na available. Naka-internal cabling na din kaya maganda na.
Fork: Foxter w/ lockout alloy/Stanchion steel
Yung fork naman, Foxter brand pa din. May lock-out din. Pare pareho lang siguro ng fork itong mga Foxter MTB na ito dahil pare pareho lang sila na Foxter branded fork ang gamit. Basta may lock-out na yung suspension, pwede na din.
Headset: Neco
Neco branded yung headset. Hindi ko masabi kung sealed bearing na ba ito. Pero worth mentioning pa din na branded yung headset na nakalagay dito sa Foxter Vinson 6.0
Handle Bar: Foxter Alloy 680MM
Yung handlebar naman, alloy na. Maganda kasi magaan na ito. 680mm ang haba, at straight siya, walang rise.
Stem: Foxter Alloy 80MM
Alloy na din yung stem. 80mm ang haba. Angled din pero maliit lang, siguro mga 7 degrees. Pwede pa din mai-setup sa positive rise at negative na slammed position.
Shifters: Shimano Acera 9 Speed
9-speed ang gearing nitong Vinson. Shimano Acera yung shifters.
Front Derailleur: Shimano Acera
Rear Derailleur: Shimano Acera 9 Speed
Yung FD at RD, parehas lang Acera din. Mas mataas lang nag konti ang Acera kumpara sa Altus. Pero basic level components lang din naman sila ng Shimano, kasama ang Tourney.
Crankset: Foxter Prowheel
Yung crank naman, Prowheel yata. Mukhang alloy na din naman yung crank arms.
Bottom Bracket: Axle Sealed Bearing
Sealed bearing na daw yung bottom bracket.
Rims: Foxter double wall
Double wall na alloy yung rims, maganda na yun.
Tyres: Kenda 27.5
Kenda ang brand ng tires. Size 27.5 ang gulong syempre. Di ko lang alam ang tire width, pero mukhang hindi aggressive, swak lang pang kalsada at tuyong mga off-roads.
Hub: Foxter Front and Rear Alloy w/ Quick Release
Alloy na daw yung hubs, at parehas na quick release. Mukha namang bolt type pareho ang kabitan ng rotors. Sa tingin ko, cassette type na ang hubs nito dahil wala naman yatang thread type na 9-speed.
Freewheel: ATA 9Speed
Cassette type na yata ang cogs na ito. Di ko lang alam ang ratio dahil walang posted sa internet. Siguro 11-32t.
Brakes: Shimano Hydraulic
Shimano hydraulic disc brakes ang preno. Okay yun kasi at least Shimano ang ginamit.
Seatpost: Alloy 27.2
Alloy na yung seatpost, 27.2mm ang diameter.
Seatclamp: Quick Release Alloy
Naka quick release na din yung seat clamp. Hindi ko lang makita sa pictures kung magandang klase na ba.
Saddle: Foxter
Foxter yung saddle, mukhang maganda naman ang pagkakagawa.
Cable: Jagwire (Original)
Yung mga cables daw na ginamit, Jagwire brand na orig. Naku, sana lang.
Foxter Vinson 6.0 Price
P11500 nag price ng Foxter Vinson 6.0 na nakita ko. Meron pa sa iba na P12500.
Verdict
Sulit na ba yung Foxter Vinson 6.0? Sa tingin ko sa price nya na P11500, hindi na din masamang choice kasi naka Acera na naman. Maganda na din naman yung frame kasi naka-internal cabling na. Okay din yung design nya, hindi masyadong makulay kasi based siya sa black.
2 years ago, nakabili kami ng bike na halos same lang ng specs dito sa Foxter Vinson 6.0, kaso ang price that time ay nasa P14k pa. Same lang na 27.5, naka hydraulic brakes, at 9-speed na Acera din. Kaya sa tingin ko, sulit na din sa price itong Foxter Vinson 6.0 dahil sa specs niya.
sir pareview naman po ng comparison review of foxter 301+ at trinx m520 tnx
noted on that
Sir Ian ano maganda ngaun na trinx ung around 10k lang, MTB, na ms ok kesa sa vinzon
trinx x1, dagdagan mo na lang konti budget mo
Planning to buy this as my 2nd bike. Ano po kaya unang magandang iupgrade dito?
as is naman maganda na naman mga parts nya, wala ka na need iupgrade, pero if may want ka palitan, I will suggest yung fork.
Saan mo nakita kuya ito este san mabibili naghahanap ako ng bike na maganda yung pyesa at sulit din sa price haha
search mo lang budget bikes sa fb kapadyak
disclaimer: hindi ako affiliated sa kanila
Sir pa review po nung foxter 8.0 mckinley and ng foxter 7.0 elbrus thank you
sure gawan natin yan
Boss pagawa naman po ng review sa Foxter Elbrus 7.0+
Is this better than the x1 trinx?
for me Trinx X1 is better
Kuya pa compare ng trinx x1 at yung vinson
Trinx X1 ka nalang.
Kuy maliit ba para sken yung trinx x1 5 po kasi height ko ??
sakto lang sayo.
Kuya ok na Ako sa Trinx x1 palitan ko nalng daw yung gulong ng pangtrail kasi yung kasama kong matanda 26 yung frame nya so yung gulong nya1.95 sabi nya may clearance padaw kaya pinili ko nalng x1 palitan ko nalang ung gulong
pwede yan
Kuya ian im planning to upgrade suntour epixon stealth air fork alin po kaya ang kukunin ko dito for XC / Trail use 120mm or 100mm??
And kuya ian ano po magandang tires na medyo knoby na pwede pang road and lalo na sa trails??
pag knobby tires maganit na yun sa road at maingay na.
di pa ako nakatry ng madaming tires kasi yung stock tires pa din ng mtb ko ang gamit ko.
Maxxis Ikon yun 29×2.10 based on my personal experience maganda siya both light trails at road.
Pero kung mag heavy trails ako, meron akong reserba na tires, pinapalitan ko lang. Maxxis Ardent at High Roller 2 yun.
ok yan, good choice napili mong fork upgrade. depende sa bike kung anong travel ng fork ang pwede sa kanya e, pero for XC setup, go with 100mm.
Bro albert 5’4 height ko. Ano recommendation mo 26 or 27.5? Prefered ko kasi is x1 and x7 kaya lng parehas 26. Tsaka anong frame size? Thanks bro.
keri mo pa yan kahit size 17, adjust ka na lang sa saddle at sa stem length.
pero kung may size 16 mas maganda. kailangan lang naman hindi sayad ang betlogs sa top tube e kapag tumatayo sa ibabaw ng bike. trinx x1 is not a bad choice, tignan mo din yung trinx b700, 27.5 naman yun. Wala sa height yan kung anong swak na wheelsize ng bike.
I’m planning to buy po sir can u pls help me kung alin ms maganda na piliin ko ung foxter Lincoln o itong vinzon?
good choice na yang Vinson.
Mas ok po ba ang 29er kaysa 27.5? 5/8 po ako. Tia
hindi sa lahat ng pagkakataon.
masarap i-long ride ang 29er
pero pagdating sa trails, mas masarap ipang trails ang 27.5
wala sa height yan kung 29er o 27.5 ang babagay sayo, kahit alin dyan swak yan sayo.
Salamat po.
Permission to interrupt sir Ian, tanong ko lang po bat nyo po nasabi na hindi sa lahat ng pagkakataon masarap e long ride ang 29er? dahil po ba mabigat o malaki ung wheel size? para inyo po anong pinaka magandang sukat para sa all terrain trails? 27.5 o 29er?
may tuldok yung statement ko na yan.
hindi sila magkasama na sentence.
masarap i long ride ang 29er, pero for trails, mas maganda ipang trails ang 27.5
Kuya ian san ulit makakakita ng mga bike bibili na po ako ng bike sa april
sa Quiapo ka bumili para makamura ka.
Ay sa may na pala yako muna bumili haha kasi maraming lumalabas na mga bagong bike baka meron nanamn lumbas ngaun month
Ano pong model ng bike MO Kua?
Merida Big Nine 300 ang bike ko, ginawan ko yun ng video pero this week pa mauupload 🙂
http://youtube.com/c/UnliAhon
Nice madami n akong na tutunun sa inyo.
Pawer lng kuya dadating yung panahon n mas sisikat k p. Salamat sa mga reviews mo kuya ian.
salamat din sa inyo. ☝️
Kuya specs po sa Foxter Elbrus 7.0
gagawan ko yan ng post kapadyak
Kuya Ian pwede po pa compare NG foxter Vinson at trinx big 7 700 tnx in advance and power
Sir Ian, anong ma recommend nyo po skin na shop for online.. budget bikes po ba its okay??
wala pa ako experience dyan sa kanila e, parang ok naman, mura din bigay nila
Anong pong mas maganda foxter vinson 6.0 o trinx m800 saan po ba nabibili to
vinson ka na lang para 27.5 na
Bro hindi ba pangit yung stanchion steel sa fork? Kasi kakalawangin diba?
kung steel yung stanchions, alaga na lang talaga, pero mas ok pa din sana kung hindi
Kuya ian pwede poba palitan ng tire ung trinx b7 700 to 27.5 to 29er?
pwede pero wag sobrang lapad
Sir Ian Ano po kaya magandang budget bike na Papalitan ko sana ng frame at Group set salamat
q500 groupset na lang papalitan mo dun, maganda na din un frame
Sir Ian pa review po NG Foxter Elbrus tnx
mgkano po ba sir ang shipment charge d2 sa naga bicol..
yan ang di ko alam, baka nasa 1-2k siguro
Hi sir. Vinson o keysto elite? Thnks
Keysto Elite para sa akin
bro ian between keysto conquest o keysto elite? at kung sa trinx ano bet mo na ka level nitong keysto elite?
keysto elite mo na para 11-speed, nakita ko na yun ng personal, napahanga ako sa ganda nya. okay yan kasi si Trinx din may gawa nyan
ano po b mas panalo trinx x1 o itong foxter vinson?
go with trinx
Sir ian ask ko lng po planning to buy foxter vinson or foxter elbrus anu po b ang much better s 2? TiA
elbrus mo na kung may budget
Ano mas maganda biss Ian trinx x1 elite o ung Foxter Elbrus 7.0?
trinx x1 elite pa din
gudpm sir… patulong po sa pagpili ng bisikleta: ano po sa tingin nyo mas ok?
KEYSTO elite 27.5 (11 speed with LTWOO drivetrain and x-spark hydraulic brakes)
— or —
FOXTER elbrus 27.5 (9 speed with alivio parts and shimano hydraulic brakes)
14800 yung nakita kong keysto dito sa cotabato while 17800 naman yung foxter…worth it po ba yung 3K price difference? may idea po kayo sa performance ng LTWOO (during use and durability)?
durability wise di pa masyado subok ltwoo kasi need pa ng more mileage to test talaga, pero during use, ok sya, yun gamit ko ngayon e.
Gud pm sir ian, planning to buy a bike anu Mas prefer nyo sa dalawa interms of price and specs, foxter vinson o trinx b700? 5’11 pla height anu din sakto na frame size pra sakin?
b700 ka na lang, frame size yung pinakamalaki pero size 17 it will still work well for you
Sir ian pwede po ba ikabit yang fork nya sa trinx na frame
pwede yan as long as same sila ng wheel size, walang issue yan
Sir ian ano mas ok ung foxter elbrus 7.0 o ung giant talon 3 2018?
Giant Talon 3 ka na
Kuya ian Balak ko sanang bumili ng road bike ok lang ba yung voyager Rb Sora na yung Rd tas claris Fd at sti nadin?
ok na din yan
Legit kaya yung parts non
Saang mga shop poba meron na neton bike nato!
idol san po bang shop mura ang vinson 6.0?
Kuya ian naka foxter elbrus ako na 27.5 ano po ang magandang iupgrade sa kanya para maging maporma pa at astig syang tignan..
as stock wala ka na masyado need palitan dyan dahil maganda na mga pyesa nyan
siguro para sa porma, palit ka nalang ng pedals, at grips, yung bagay sa kulay ng bike mo
Boss macky sa quiapo sa tingin ko mas mura talaga…
Sa newbie sir pede na ba 27.5? meron ako 26er pero d ako masyadong nag bibike kaya newbie parin hehe. Height ko po 5,7. Ano po sa tingin nyo? balak ko po mag up sa 27.5 foxter basta 2018 model.
mas ok yan 27.5
May b700 pa po ba na nabibili
wala na ata, phase out na kasi
Kakabili ko lng sa bike 101 yan vinzon marami ngsasabi na ok at maganda, at konti na lang dw ang upgrade ko kagaya ng hubs,crank and chain para mas solid na. . . Sana matibay at tumagal🙏🚴
Boss Ian specs nung Trinx x1 elite
watch nyo na lang po ito https://www.youtube.com/watch?v=KZ54ymeeENc
Boss Ian, planning to buy this. ano po kaya swak na size sakin. I’m 5’5 height
size 16
Sir IAN nxt naman po yun FOXTER VINSON 6.0+29er po salamat po
same lang yan lumaki lang gulong
Sir IAN nxt naman po yun FOXTER VINSON 6.0+29er po salamat po in advance
Ano po ba pinagkaiba ng foxter vinson 6.0 at sa 6.1?
Sir pwede po bayan sa 14 year old
Ang foxter vinson po l
Sir pa review naman ang Foxter Vinson 6.2
FRAME : Foxter Alloy Frame 27.5 (M)
FORK : Foxter Alloy w/ Lock Out / Black Stanchon
HEADSET : Gineyea
HANDLE BAR: Foxter Alloy 680mm
HANDLE POST : Foxter Alloy 80mm
SHIFTERS : Shimano Alivio 2×9 Speed
FD : Shimano Alivio
RD : Shimano Alivio 9Speed
CRANK SET : ProWheel RAID 2x
BOTTOM BRACKET : Axle Sealed Bearing
RIMS : Foxter Double Wall
TYRES : Moser 27.5*2.25 Agressive
HUBS : Novatec Front and Rear Alloy w/ Quick Release
FREEWHEEL : ATA 9Speed
DISK BRAKE : Alloy
BRAKES : Shimano Hydrolic MT200
ROTORS: Shimano Rotor Disc
SEATPOST : With Pillar Alloy 27.5
SEATCLMAP: Quick Release Alloy (Moser)
SADDLE: Velo Saddle (Original)
Ok na po ba ito sa Php. 14,000
Ok po ba kung upgrade sa Alivio/Deore Hallowtech ung crank tpos ung COGS 11T-42T, sa ngayon nka 11-32T sya, need po ba magpalit ng chain ring?
SALAMAT PO.