Meron pala nitong Foxter FT306. Naka-Alivio na pala ang mga pyesa nito. May nagrequest sa akin na gawan ko daw ito ng review, kaya heto ay susubukan nating suriin ang specs ng MTB na ito sa review post na ito.
P13500 ang SRP na nakita ko na pinakamura nito, sa LJ Bikes.
Foxter FT306 2018 specs:
Frame: Alloy Foxter Ft 306
27.5 ang gulong ng Foxter FT306. Hindi ko sure kung may sizes pa ng frame na mapagpipilian dito. Sa nakita ko sa picture, naka internal cabling na ito. Ayus yun kasi mas malinis tignan kapag naka-internal cabling, sa mga higher end bikes din na mas mahal ng ibang brands mo lang makikita ang internal cabling sa frames nila.
Stealth look din yung frame kasi hindi mo mahahalata sa unang tingin yung mga decals/prints nya.
Fork: Foxter
Foxter lang yung fork nya pero may lock out na kaya maganda na din. May preload adjustment pa. Iba din yung style ng lockout cap kaya hindi yata ito rebrand ng Suntour forks lang. Foxter yung nakatatak pero stealth look, kagaya ng Epixon na stealth, hindi halata yung decals.
Shifter: Shimano Alivio
FD: Shimano Alivio
RD: Shimano Alivio
Alivio yung shifter, medyo entry level na ito sa mga groupsets ng Shimano. Kung bibili ka ng buong Shimano Alivio na groupset, nasa P7500 ang price nun. Isang level lang na mababa ang Alivio kesa sa Deore na groupset.
Itong shifter na Alivio, 9-speed siya. Gamit ko ito sa bike ko ngayon. Meron pa din display indicator kung nasaang gear ka, at bukod sa porma, maganda din ang performance ng shifting nito.
Ganun din yung RD at FD. Asahan mo na maganda ang performance ng mga pyesang ito kasi Alivio na.
Alivio na din yata yung cogs, hindi ko lang sure. Hindi kasi nabanggit. Pero sa laki ng cogs sa likod, medyo may advantage ka na nito sa mga ahon.
Chain: ION
Hindi ko alam itong chain na ito.
Brake: Shimano Non Series
Isa pa ito, non-series na Shimano ang gamit na brakes. Yun naman talaga ang kasama ng Alivio. Buti naman at hindi gumamit ng 3rd party brand para sa hydraulic brakes itong MTB na ito. Tama lang na ito ang brakes na nakakabit, mura na maganda pa performance. Ang nag iisang issue lang nito ay kinakalawang yung brake levers. Alaga na lang.
Chainwheel: Suolo
Yung crank naman, iba na. Hindi na Prowheel. Hindi din Alivio. Pero ok lang siguro para hindi maging masyadong mataas ang SRP ng whole bike. Itong crank na Suolo, ngayon ko lang din narinig. Sa porma naman mukhang alloy yung crank arms, at bolted yung chainrings. Di ko sure kung pwede matanggal yung chainrings o riveted na sila. Hindi ko din kabisado yung crank kung square tapered yung bottom bracket na gamit.
Hub: DHA
Sabi sa listing ng LJ Bikeshop, DHA daw yung hubs. Wala akong alam na ganitong hubs, pero baka nagkamali sila ng basa, ang alam ko kasing hubs ay DHQ. Sa mini-velo ko na naka discbrakes, ganun ang hubs na nakasalpak. Buo pa naman ang hanggang ngayon, hindi pa nagkakaproblema.
Pedal: Alloy
Alloy yung pedal, mas okay to kesa plastic.
Saddle: Vader
Iba din yung saddle. Pero baka hindi pang lahatan ang comfort ng ganitong style ng saddle.
Handlebar: Foxter Optimal
Parang may low-rise yung handlebar. Naka short stem din siya. Pag short stem kasi mas lalapit sayo ang handlebar, dagdag mo pa yung rise ng handlebar, mas nasa upright position ka kapag pumapadyak ka na.
Rim: Foxter
Alloy rims, walang special.
Tire: Kenda
Kenda yung tire, mas okay kasi hindi CST lang. Yung knob profile ng tires, hindi din masyadong aggressive kaya parang balanse lang na maganda pa din sakyan kahit off road at sementadong kalsada.
Verdict
Una sa lahat, ang angas ng porma ng MTB na ito. Stealth black ang dating, sa frame at fork na din. Di mo agad makikilala na Foxter kapag nakasalubong mo sa daan.
Sa setup naman, hindi na din talo dahil Alivio na yung pyesa. Medyo biased ako kung Alivio na ang pinag uusapan. Kasi sa ibang brands, sa ganitong setup at presyo, Altus o Acera pa din yung nakakabit. Ang hindi lang Alivio dito ay hubs, crank, bottom bracket at chain.
Kung maguupgrade ka naman sa Alivio ng Foxter FT301, mas malaki pa din ang magagastos mo na total. Tapos hindi pa ganito kaangas yung frame at fork mo.
Sa tingin ko, sulit na din itong Foxter FT306. Maganda ang tindig, maganda ang setup, maganda ang mga pyesang nakasalpak. Hindi ka na talo, wala ka ng papalitan, padyak na lang agad.
Kuya ian anong maganda kayang mtb…..8k po budget ko
Sir pa review naman nung isa pang bagong Foxter, yung Foxter Powell 1.0. More power!
sure James, pakihintay lang.
Pwede po ba ito sa mga trail?
pwedeng pwede Simon
Kahit wala pa po itong pinapaltan sa mga parts?
yes, kahit all-stock.
Kuya ian ano pong mtb na mganda budget ko po ay 8k
John paul, sa ngayon recommended ko ay trinx c290, 27.5 na nakahydraulic brakes na. pero kung wala ka makita, go for trinx m500 or foxter ft301 na lang.
saan ba galing or gawa yung foxter?hehe
di ko din alam kung china o taiwan, baka chaiwanese 😀
Lodi pwedeng pakireview yong foxter Evans 3.0.salamat Lodi werpa
sure gawan natin yan ng petmalung review
Alam ko Bangladesh brand yung Foxter.
Nakagamit na rin akong FT301 mabigat lang talaga yung Fork bakal eh
unang naging sikat nga yata sa Bangladesh itong foxter bike. hanggang ngayon misteryo pa din sakin kung san nga ba galing itong foxter bikes. salamat sa pag share ng experience mo sa foxter ft301.
kuya Ian… non series na shimano po ang ginamit na brakes, hydraulic na po ba yun? beginner lang po kasi ako e… salamat po!
Oo non series na
oo John, hydraulic na yun.
Gaano po kalakas ang hub ng 306??
di naman siguro sobrang ingay tulad nung mga tunog mayaman hubs na parang kuliglig pero pag pinifreewheel yan may tunog yan na maririnig ka
Boss pareview naman ng Foxter evans 3.0.
naka draft na siya, pasensya na medyo busy lang.
Cogs : Sugek Brand 11-32t
Chain : TekPower with gold pins
Crank : Suolo from Prowheel 96bcd alloy and removable chainrings
BB : Neco sealed bearing bb, square taper
Hub : DHQ, tunog swabe hindi ninja
Spokes and rios : all stainless
Headset : Neco integrated headset
Fork : Magnesium alloy body except straight steerer and stanchion
Mabigat lang ang forks and crank pero sulit na pangTrail.. 4months user na po ako ng ft306.. at may inupgrade na rin.. 🙂
salamat dito Tholitz, ride safe lagi.
Kuya saan po makakabili ng ganitong bike ? New Langg po Ako
quiapo or cartimar sa pasay
Sir, 301 user ako. Pwede ba maupgrade ang 8speed sa 9speed?
pwedeng pwede. need mo lang magpalit ng cogs, shifters, at chain.
Sir, pati yung hubs need din ba palitan, para mag-fit yung 9 speed cogs.?
Salamat in advance ulit, sir.
No need na yan kapadyak. kakasya yan.
Sir pwede po bang pa reveiw ng 2018 Marcus TITANS (M500). Salamat
sige po
Mga mag kano tong foxter Kuya si John Arjay To hehe
P13500 ang SRP netong 306
meron pa bang available 306 ngyn sir ian? pag nagtatanong kasi ako foxter 1.0 to 6.0 nalang daw eh..
baka naiphase out na.
Kuya Ano Maganda Eto or Yung Trinx X1? Po thankks hehehe
same lang na maganda for me
Meron po ba malapit sa taguig na bilihan nyan ?
hindi ko lang kabisado yung bike shops sa taguig
Bro ian..meron ka Fb page or accnt pra mka pm?.hehehe..ngaun lng kasi ako ngka interest sa Mountain bike pang trail sa bundok..usally kc motor gamit q..anu poh ba ma recomend mo sakin na bike pang akyat bundok?..thank you poh…
kahti anong MTB, Foxter or Trinx, good ang parts nyan, mura pa.
Lodi, ask ko lang sana kung ano yun tamang size ng frame at gulong para sa height na 5’11”?
May marerecommend ka bang brand at model?
Yun budget bike lang na may dating na rin. Werpa!!
Medium or Large sa frame size, sa gulong naman either 27.5 or 29er depende sa laro mo.
depende sa budget mo kapadyak kung anong model ang pwede ko maisuggest.
Up. Same question. Balak ko sana B700 16 frame kaso 5″11 din ako, okay lang kaya?
Budget pala is 15k, b700 na ba o ano po ang pinaka sulit sa budget na yun? Thanks
para sa akin b700, pero maganda din yung trinx q500 kung hindi ka naman puro trails. 29er na kasi yun, palitan mo lang ng mga pyesa na Shimano Alivio, laban na yan
pwede pa yan paps, pero mas ok talaga kung makahanap ka ibang model na may at least 17 na size o 18 siguro
sir ian ask ko lng po san po kayo pabor sa trinx b700 or sa foxter ft 306 thank you po
sir ian ask ko lng po san kayo mas pabor foxter ft 306 o trinx b700 thank you
mas prefer ko Trinx
Alin mas okay sir ian, foxter o keysto na brand
same lang na ok yan
Boss ian. Nagbabalak ako mag upgrade, nakatambay lang alivio grpset ko, wala pako hub, pwede ba DHQ hub nung FOXTER FT301 sa 9speed na cogs? Di ko kasi alam kung thread ba o cassette yunh dhq stock ng ft301. Salamat!
thread type yan karaniwan na yan sa mga budget bike na naka 8 speed
Ahmmm kuya ian kasya ba yung IXF CRANK sa trinx m136?????
kasya po yan
Available pa po ba ito? In quiapo or other bikeshops?
wala na ata