Meron pala nitong Foxter FT306. Naka-Alivio na pala ang mga pyesa nito. May nagrequest sa akin na gawan ko daw ito ng review, kaya heto ay susubukan nating suriin ang specs ng MTB na ito sa review post na ito.
P13500 ang SRP na nakita ko na pinakamura nito, sa LJ Bikes.
Foxter FT306 2018 specs:
Frame: Alloy Foxter Ft 306
27.5 ang gulong ng Foxter FT306. Hindi ko sure kung may sizes pa ng frame na mapagpipilian dito. Sa nakita ko sa picture, naka internal cabling na ito. Ayus yun kasi mas malinis tignan kapag naka-internal cabling, sa mga higher end bikes din na mas mahal ng ibang brands mo lang makikita ang internal cabling sa frames nila.
Stealth look din yung frame kasi hindi mo mahahalata sa unang tingin yung mga decals/prints nya.
Fork: Foxter
Foxter lang yung fork nya pero may lock out na kaya maganda na din. May preload adjustment pa. Iba din yung style ng lockout cap kaya hindi yata ito rebrand ng Suntour forks lang. Foxter yung nakatatak pero stealth look, kagaya ng Epixon na stealth, hindi halata yung decals.
Shifter: Shimano Alivio
FD: Shimano Alivio
RD: Shimano Alivio
Alivio yung shifter, medyo entry level na ito sa mga groupsets ng Shimano. Kung bibili ka ng buong Shimano Alivio na groupset, nasa P7500 ang price nun. Isang level lang na mababa ang Alivio kesa sa Deore na groupset.
Itong shifter na Alivio, 9-speed siya. Gamit ko ito sa bike ko ngayon. Meron pa din display indicator kung nasaang gear ka, at bukod sa porma, maganda din ang performance ng shifting nito.
Ganun din yung RD at FD. Asahan mo na maganda ang performance ng mga pyesang ito kasi Alivio na.
Alivio na din yata yung cogs, hindi ko lang sure. Hindi kasi nabanggit. Pero sa laki ng cogs sa likod, medyo may advantage ka na nito sa mga ahon.
Chain: ION
Hindi ko alam itong chain na ito.
Brake: Shimano Non Series
Isa pa ito, non-series na Shimano ang gamit na brakes. Yun naman talaga ang kasama ng Alivio. Buti naman at hindi gumamit ng 3rd party brand para sa hydraulic brakes itong MTB na ito. Tama lang na ito ang brakes na nakakabit, mura na maganda pa performance. Ang nag iisang issue lang nito ay kinakalawang yung brake levers. Alaga na lang.
Chainwheel: Suolo
Yung crank naman, iba na. Hindi na Prowheel. Hindi din Alivio. Pero ok lang siguro para hindi maging masyadong mataas ang SRP ng whole bike. Itong crank na Suolo, ngayon ko lang din narinig. Sa porma naman mukhang alloy yung crank arms, at bolted yung chainrings. Di ko sure kung pwede matanggal yung chainrings o riveted na sila. Hindi ko din kabisado yung crank kung square tapered yung bottom bracket na gamit.
Hub: DHA
Sabi sa listing ng LJ Bikeshop, DHA daw yung hubs. Wala akong alam na ganitong hubs, pero baka nagkamali sila ng basa, ang alam ko kasing hubs ay DHQ. Sa mini-velo ko na naka discbrakes, ganun ang hubs na nakasalpak. Buo pa naman ang hanggang ngayon, hindi pa nagkakaproblema.
Pedal: Alloy
Alloy yung pedal, mas okay to kesa plastic.
Saddle: Vader
Iba din yung saddle. Pero baka hindi pang lahatan ang comfort ng ganitong style ng saddle.
Handlebar: Foxter Optimal
Parang may low-rise yung handlebar. Naka short stem din siya. Pag short stem kasi mas lalapit sayo ang handlebar, dagdag mo pa yung rise ng handlebar, mas nasa upright position ka kapag pumapadyak ka na.
Rim: Foxter
Alloy rims, walang special.
Tire: Kenda
Kenda yung tire, mas okay kasi hindi CST lang. Yung knob profile ng tires, hindi din masyadong aggressive kaya parang balanse lang na maganda pa din sakyan kahit off road at sementadong kalsada.
Verdict
Una sa lahat, ang angas ng porma ng MTB na ito. Stealth black ang dating, sa frame at fork na din. Di mo agad makikilala na Foxter kapag nakasalubong mo sa daan.
Sa setup naman, hindi na din talo dahil Alivio na yung pyesa. Medyo biased ako kung Alivio na ang pinag uusapan. Kasi sa ibang brands, sa ganitong setup at presyo, Altus o Acera pa din yung nakakabit. Ang hindi lang Alivio dito ay hubs, crank, bottom bracket at chain.
Kung maguupgrade ka naman sa Alivio ng Foxter FT301, mas malaki pa din ang magagastos mo na total. Tapos hindi pa ganito kaangas yung frame at fork mo.
Sa tingin ko, sulit na din itong Foxter FT306. Maganda ang tindig, maganda ang setup, maganda ang mga pyesang nakasalpak. Hindi ka na talo, wala ka ng papalitan, padyak na lang agad.
[alert-note]Photo credits to LJBikes[/alert-note]
Leave a Reply