Ang dami talagang inilalabas ni Foxter na MTB. Sumikat lang kasi yung FT301 talaga kaya sa tingin ko, kaya sila nagkalakas ng loob maglabas na maglabas ng bagong model.
Itong susuriin natin ngayon ay yung Foxter Evans 3.0 na 2018 version daw.
MTB pa din ito na 27.5 at naka hydraulic na din.
Wala pa din kasing official website itong Foxter, kaya medyo pahirap sa pagkuha ng specs. Asa na lang tayo sa mga naipopost ng mga nagbebenta nito na may fanpage sa facebook.
Foxter Evans 3.0 Specs
Frame: Foxter Alloy 6061 Thick Frame Square Tubing 27.5
Alloy na ang batalya nitong Foxter Evans 3.0. Square tubing ang ginamit. Sabi makapal at heavy duty daw. Size 27.5 naman ang gulong na kasya sa MTB na ito. Internal cabling na din, kaya hindi basta lang kagaya ng sa FT301.
Overall, maganda ang porma ng frame. Hindi ko lang sigurado kung may sizes pa ba ito na mapagpipilian.
Fork: Foxter Suspension with Lock Out
Yung fork naman, ordinary suspension fork lang na may branding din ni Foxter. Mukhang okay naman kahit na coil spring lang, meron na din naman kasing lock out at mataba naman yung tubings ng stanchions.
Handlebar: Foxter Oversize Alloy
Yung handlebar ay alloy, straight lang. Swak sa XC na pormahan.
Stem: Foxter oversize Alloy
Yung stem, alloy din, hindi sobrang haba, hindi din sobrang iksi, sakto lang. May slight angle din kaya pwede mo pa ibaba kung trip mo, pero hindi naman sobrang baba dahil 6 or 7 degrees lang yata yan.
Shifter: Shimano 8 Speed Shimano Altus
8-speed ang nakakabit dito sa Evans. Altus na yung shifter kaya okay na din.
Brakes: Shimano Hydraulic Brakes
Yung brakes naman, buti na lang ay Shimano non-series hydraulic brakes na. Maganda na ito, at least hindi ibang brand na di kilala. Mas may tiwala ako sa hydro brakeset na ito, kahit pinaka mababa pa siya ng Shimano.
Front Derailer: Shimano Tourney
Tourney yung FD, mababa lang pero maganda din naman ang performance.
Rear Derailer: Shimano Tourney
Ganun din sa RD, kahit na Tourney lang siya, wala itong issue sa 8-speed na setup.
Crank: Foxter Steel Triple Chainwheel
Yung crank naman ay Foxter lang. Sayang at hindi man lang naging Prowheel. Steel pa yata yung crank arms at parang kagaya lang ng nasa FT301.
Cogs: Taiwan 8 Speed
Yung cogs naman, walang brand. Basta 8-speed na cogs lang. Di ko alam kung anung teeth mayroon ang sprocket na ito.
Tires: CST Jet 27.5 x 1.95
Common na itong CST tire na 1.95 ang lapad. Hindi agresibo sa trails, sakto lang pang sementadong kalsada at kaya din naman sa mga lubak, off roads, at light trails.
Seat Clamp: Quick Release
Quick release yung seat clamp. Personally, mas trip ko yung hindi quick release. Mura lang naman din kung gusto mo palitan.
Rotors: Shimano Rotor Discs
Shimano na daw yung rotor. Mas compatible yung kesa kung ibang rotors ang gagamitin sa M315 na brakeset, minsan kasi yung ibang rotors mas makapal.
Yun lang. Wala na tayong info sa iba pa tulad ng hubs. Mukhang quick release naman yung hubs. Di lang natin masisiguro kung cassette type na ba ito o thread type pa din. Baka thread type pa nga kasi hindi naman binabanggit.
Verdict
Ang SRP ng Foxter Evans 3.0 ay P9000 sa nakita ko sa Stan13bike. P8899 pa nga siya sa RGC Bike Shop.
Wala masyadong kinaiba sa Foxter FT301, sa unang tingin. Pero kung titignan nating mabuti, iba ang batalya nito. Mas maganda. Kaya kung nagbabalak ka bumili ng Foxter FT301 na MTB, tapos iuupgrade mo din sa hydraulic, sabihin na natin na makukuha mo yung FT301 sa halagang P7000 at gagastos ka din ng P2000 para sa hydraulic brakes at shifters, P9000 din ang magagastos mo doon.
Kaya kung may budget ka na P9000 at ang gusto mo na MTB ay 27.5 at naka hydraulic brakes na, hindi na din masamang choice itong Foxter Evans 3.0. Kaya pala madaming nagrerequest sa akin na i-review ito. Panalo na din kasi.
Hindi ko lang sure kung madaming kulay din ito na mapagpipilian, pero maganda yung style ng pagkakapinta sa kanya.
Edit:Β Ito pala yung mga kulay na available sa Foxter Evans 3.0
Credits to RGC Bike Shop and Tulang Bikes for the images used in this post.
Former FT301 user here na nag-switch sa Evans. Pagkabili mo pa lang ng Evans, mahahalata mo na ang pagkakaiba sa weight. Ang gaan ng wheelset, at mas magaan ang frame at fork (mostly siguro sa fork kasi stanchions na lang steel and the rest is alloy na). Smooth ang shifting, syempre bago. Pero ewan lang din. Pag Tourney kasi, kadalasan pag magaspang ka mag-ride, di yan para sa’yo. The hydraulic brakes are good, except for one issue na nararanasan ko. Yung gulong ko sa harap, hirap umikot kasi kumakaskas sa pads si rotor. Ilang beses kong tinulak pabalik yung pistons pero ganun pa rin sya. Hirap umikot. Ewan kung ang issue ay sa pinagbilhan ko (mishandling, mali ang pag-stock) o may mismatch sa brakeset at adaptor.
Pero so far, so good. Mas malambot (plush) na rin ang front shock di tulad ng FT301 na walang ka-kwenta-kwenta kahit naka-unlock.
Wala pang one month sa akin kaya hininhintay ko pa kung magkaka-issue rin yung chain.
uy salamat dito kapadyak. malaking tulong itong review mo sa foxter evans 3.0
hayaan mo na lang siguro muna yung kaskas kung sa harap lang naman, hindi naman siguro mismatch ung rotors (makapal masyado), baka pag numipis ng konti na yung pads mawala na yung sayad. subukan mo din sipitan ng credit card size na kapal yung rotor tapos ipiga mo yung brake magdamag, lastehan mo lang. ganyan ginagawa ko dati. dapat wala kasi sayad yan e. isa yan sa medyo challenging na iadjust sa mga MTB, make sure perfectly aligned yung calipers din at hindi bent yung rotor. kung ma rule out mo na yung caliper ang may problema talaga, dalhin mo na lang sa pinagbilihan kung posible pa.
Ano maganda na foxter evans 2018 or 2017
same lang un
Combo shifter na kc yong bagong labas. .
Sir ian tanong lang po. Ano mas maganda foxter evans 3.0 po or trinx m116 elite? Salamat poπ
evans
Kuya ian sakto lang kaya sakin yung 27.5 na bike kahit 5’1 and Β½ lang height ko?
pwede yan, diskartehan mo na lang sa saddle position, seat post height, at stem length
Sir Ian bumili ako ng Evans 3.0 kaso nung tumagal na sakin nag stock ung suspension fork ko stock ng Evans 3.0 kaya pa ba maayos un
karaniwan na sakit talaga yan ng mga budget stock forks, upgrade na lang
sir, kabibili ko lang ng foxter evans 3.1 anu pag kakaiba nun sa 3.0?
Sir Dale kamusta na ung issue sa rotor ng bike mo?na solve na ba?ano remedy?
same problem sa evans ko kaskas sa harap nilagyan ko lang ng washer para medyo pumantay so far konti na lang sumasayad.. makapal p nga siguro ortors
Ano kaya size ng BB ng evans 2018 model. Balak ko kasi mag upgrade ng groupset. Salamat sa sasagot
Pa review po ng Trinx m520. Thanks po!
nakapending na po yan, pasensya na po kung medyo natatagalan.
Pa review naman po ng Foxter Princeton 2.0 bumili po ako last month first bike koyun at maganda para sakin ewan kolang sa iba yung issue lang na naranasan ko eh yung headset nya umaalog or may play pag pepreno lalo pag pababa nakakatakot pumunta ako ng bikeshop pinatingin ko nilagyan nya lang ng grease ok naman nawala yung pagtunog ng headset pero minsan tumutunog parin tingin konga kelangan kona palitan eh ano kaya maganda at mura? So far yun lang naman yung issue na naranasan ko sana worth it sya bili konga pala sakanya 7500 sa gilmore nakita ko sa ibang page sa fb srp daw nya 10k masaya nako kasi mababa lang kuha ko.
sure sige, i-review din natin yan. salamat nga pala sa feedback mo about dyan sa bike na yan. mas maganda kung palitan mo na yung headset, sealed bearing na agad para wala ng alalahanin pa. pang matagalan naman na yun, nasa P350-400 ang presyuhan ng murang sealed bearing headset na pang mga modern mtb.
salamat sa reply, may ganyang presyo pala ng headset mga nakikita ko kasi dibaba ng 1k eh ano kaya brand yung may ganyang presyo staka san makakakita?
merong mura, mountainpeak brand. sa quiapo ako nakakabili nyan.
may tanong ako sir ian sana masagot nyo po balak kopo kasi bumili ng headset kaso nagaalangan ako kasi diko alam baka may sizes yung mga headset eh diko naman alam yung size nung akin ang alam kolang integrated headset yung nasa bike ko
anong bike mo? general sizes naman yan kung hindi naman tapered yung head tube, kung straight lang. sasabihin mo lang sa pagbibilihan mo na ang hanap mo na headset ay integrated na non tapered.
Foxter Princeton 2.0 po sir ian, pag non tapered po yung fork diba po straight lang sya pag may malaking umbok sa baba tapered? kung sa headtube naman po titingnan ano po ang pala tandaan sir?
oo ganyan sa fork, sa head tube ganun din e, kapag yung top part ng head tube e mas maliit kumpara sa bottom part ng head tube, tapered yun. mas madali at sure na makikita kapag tanggal yung fork, kapag magkaiba yung size ng butas ng head tube.
ahh okay po salamat kuya ian, yung review sa princeton antayin kopo ah godbless…
gawa ako nyang princeton, ihabol ko, nakalimutan ko kasi kung ano yung foxter na 2.0 eh hehe salamat sa paalala.
ay hahaha kayapala mas nauna yung mga ibang bagong models sige po i will wait
wow nice!
just bought Foxter Evans 3.0 yesterday sa price na P9.1K sa BicyKool – Camiling
beginner pa lang ako at hindi pa maxado sa sa mga specs ng bike
abangan nu nxt post ko kung ano magagawa ng Foxter Evans 3.0 ko
Galaxy GLX RL550 review please! laki tulong nang site na to sa mga newbie na gaya ko, TY in Advance!
ngayon ko lang nakita yan, pero iresearch ko din yan. added na din sya sa pending reviews.
Boss labas na po ba yung review about Galaxy GLX RL550
wala na ako balak mag review ng galaxy bikes, ang hirap kausap ng galaxy bikes, ayaw ibigay mga detalye ng bikes nila, pati pricing, paano magagawan ng review yun.
Sir ian anong mas maganda foxter evans or keysto conquest
Foxter evans 3.0 din gamit ko…bago lang ako sa mtb pero nahihiligan ko na sya…any suggestion naman kung ano dapat iupgarde sa foxter evans…salamat
sa totoo lang, as stock wala ka na kailangan iupgrade dyan sa evans. pero kung madaming budget, you can upgrade sa Alivio parts, or Suntour XCR fork. Meron ako ginawang MTB upgrade guide, baka makatulong din sayo para magka idea ka sa mga upgrades.
Sir pareview namn po ng Trinx Big 7 B1200. Salamat po and more power.
with that price ng B1200, better go merida giant or cannondale
Sir Ian,
Planning to replace the stem. Any guidelines and recommendations po? Maraming salamat!
kahit anong stem will do, pero if gusto mo branded go for ABR stem, hindi sobrang mahal pero hindi din mura haha.
be sure lang to get a stem na swak pa din sa preference ng body mo, consider mo yung stem length and angle
Noted yan sir. Ganda nga ng ABR at abot kaya. π Maraming salamat!
Sir, may alam ka po ba kung saan makakahanp nitong Foxter Evans? ang hirap na sya makita…halos puro sold out na kasi…tnx
mabenta kasi, di ko lang sure kung saan ka makakahanap nyan, wala din kasi akong connection sa mga bike shops e.
Gold po ba talaga yung stock na hubs nitong evans?
oo yata
Sir Ian
Plan ko bumili ng MTB kaso first time ko lang kaya di ako familiar sa mga brand na magiging worth yung pagbili ko. Pwede ba humingi ng suggestions nyo kung ano magandang MTB sa budget na around 10k. Maraming Salamat sa response!
kung budget 10k, sa trinx or foxter ka pumili
Ano po b ang common issue ng mga tourney parts?
wala naman po, hanggang 8-speed nga lang sya.
Sir ano mas better thread type or cassette type? Sana po mabasa nyo. Ty sir sa pag response nyo.
cassette type ka na
Sir ano mas better thread type or cassette type? Sana po mabasa nyo.
cassette daw sabi sakin sa RGC. Di ko lang masyado nagets pero sa pagkakaalala ko supported sya for 9speed and up
Bozz? Ung Fork ba ng Foxter evans 3.0 kksya kaya ung 29ers na gulong..?
kasya pero konti na lang clearance
San po ung stan13bike?
BicycleWorld ang name ng physical store nila sa Cartimar, Pasay
bat ung nblili ko evans 3 combo shiftr si d hiwalay ung hydro
yan yung mga bago nga na evans, para sa akin mas maganda pa yung nakahiwalay na.
combo din yung nabili ko. di ko alam na may hiwalay pala nito tapos altus pa shifter. nakita ko lang yung review nung nakabili na ako π
yung unang labas yata yung hiwalay tapos ginawa na yatang combo ngayon.
oo ganun daw. eh nung inoffer kasi sakin to di ko alam full specs dahil nakatuon ako sa budget ko na 7500. kung alam ko lang, sana naghanap pa ako ng iba.
Boss ian bk pwede mo nmn ako tulongan first tym ko bibili ng bike ano b ang maganda sa halagang 10k 29ers ung gusto ko sn billing?
Trinx M520 na 2018 model yung naka internal cabling.
oo sir gold na..
sir Ian pwede ka po ba gumawa ng review sa pra sa gulong ng mga 27.5 mula budget hanggang sa best quality… thanks in advance
sir ian dahil sa review mo bumili ako ng evans 3.0 tanong ko lang regarding sa Shimano Tourney RD and FD wala kayang maging prob kapag lagyan ng 11 speed or like compatible ba yung tourney sa 11 speed?
hindi kaya ng tourney ang 11-speed, need mo bumili talaga ng 11 speed gear set
paps . naka foxter evans ako, diba hydraulic sya. balak ko sana mag upgrade ng shimano acera. paadvice naman kung anu mas magandang unahin dun, kung pati ba hydraulic brakes mapapalitan.
hindi worth it upgrade sa Acera, dapat mag Alivio ka na agad. check mo din yung LTWOO, baka gusto mo magupgrade sa 10-speed mura lang yung gearset nila.
yung hydraulic brakes nyan no need mo na palitan basta hindi sya naka combo shifter
sir ian kung kau papipiliin, giant talon 3, scott aspect 950 or GT avalanche sport ? thanks
di din naman nalalayo ang mga specs nila, piliin mo na lang kung alin yung may stock at may tamang size para sayo. iuupgrade mo din naman kasi mga yan pagtagal.
sir ian , anu pipiliin nyo sa 3 na choices ko, balak ko po kc mg upgrade ng bike pgbaba ko s barko nxt year,, GT avalanche sport, scott aspect 950 or giant talon 3? thank you po,
Magkano po ung price nya sa quiapo?
Magkano po ung price nito sa quiapo
ganto din yung sprint s3000 hahaha, powered by foxter daw eh
Mga magkano po b ang aabutin kung ia upgrade ko tong evans 3.0 sa 9speed?
depende kung Shimano o LTWOO na 9-speed upgrade
Kuya pa help papunta ako sa linggo sa quiapo at gusto ko bumili ng MTB na 29er.. Ang budget ko 20k pababa.. Bigyan mo po ako ng pagpipilian ko na sa tingin mo ay panalong panalo na… Salamat in advance..
Trinx X7 Quest ang hanapin mo, may sukli ka pa, Deore parts na. Sulit na sulit.
foxter evans 3.0 o foxter lincoln 4.0? alin mas ok?
foxter evans 3.0 o foxter lincoln 4.0 ? alin kaya idol mas ok para sa newbie?
ok yan kahit alin dyan
Kaasar lkuya ian nalibot ko na ang buong quiapo ubos ang trinx x7 quest na sinasabi mo… Mabenta daw kc yan at nagkakaubusan.. In short wala talaga ako nakita… Uuwi sana akong luhaan pero nakita ko sa babA ng tulay ang FOXTER ELBRUS 7.0… AT trinx q800 ang nabili ko… Ask ako kuya ian dahil beginner p lng ako.. D pa ako marunong gumamit ng tamang shipter para sa patag at paakyat… Pa help naman ng mga tips mo… Advance tank you sayo… Anong tamang number ang ginagamit sa patag at paakyat.. Sensya na beginner nga eh po…
baka makatulong sa iyo ang post na ginawa ko, https://www.unliahon.com/paano-mag-shift-ng-gear-sa-bike/
balak ko din gumawa ng video format tungkol sa topic na yan
Kuya Ian ano po bang mas magandang porma ng frame Foxter FT 301 o Foxter Evans 3.0 nagdadalawang isip po kac ako kung anong pipiiliin ko kapag nakabili na ko ng bike?
go for Evans, better specs na din
Magkano na po price ng Foxter evans sa ngaun? Thanks po.
Pwede po bang palitan ng manipis na gulong ang foxter lincoln at kung pwede ano kong size
pwede yan, depende kung sa gaanong kanipis ang gusto mo, pwede kasi na cyclocross tires o road bike tires pero sagad na yung 28c
anu po size ng hubs netong evans? salamat
135mm sa rear kapag mga ganyan ordinary qr mtb disc hubs
Compatible po ba 11 speed gear sa evans?
oo pero madami ka kailangan palitan
9000 lang pala sya bat ung bili ko abot 10495? depende ba yun sa reseller or parang overpriced ung bigay sakin legazpi city area pala kami sa motoragon ko sya binili. with free tune up na sya from time to time 1 week old pa lang bagong bago ang gaan gamitin at nagugulat din ako kasi kapag down hill nauuna pa ako sa mga kasamahan ko na ang gamit ay pareho scott na mtb at road bike kahit naka free wheel na lng kami pare pareho. so far ang ganda ng foxter evans. medyo nagulat lang ako sa presyo na 9000
ganyan talaga pag hindi manila
sir ian 1 year na mahigit ung evans ko gusto ko sana palitan ung crank kaso 1500 lang budget shimano mt 210 lang ung pasok sa budget ko ok na ba un?
ok na ok yan, mas gagaan yan kasi hollowtech na ang crank na ipapalit mo
hindi po talaga ako makapag deside Ng mabuti Kasi pare parehas po silang magaganda kaso sa kulay po ako naguguluhan. Anu po ba Ang mas pinakanagagandahan niyong kulay..?ty
kung ano favorite mo na kulay yun piliin mo
Etong evans na lang ata bibilhin ko instead na FT-301. Pero Evans 3.0+ na IPon pa konti hehe
2018 foxter evans 3.0 series alloy mtb 29er
PRICE OFF! 10,000php only from 12,500php!
frame: evans alloy, internal cable
fork: foxter suspension, lockout 100mm
cockpit: foxter alloy set
gruppo: shimano tourney/foxter crank mix 8x3speed
brakes: shimano hydraulic disc 160mm
rim: foxter alloy
tires: cst jackrabbit 29 x 2.10
Etong evans na lang ata bibilhin ko instead na FT-301. Pero Evans 3.0+ IPon pa konti hehe
2018 foxter evans 3.0 series alloy mtb 29er
PRICE OFF! 10,000php only from 12,500php!
frame: evans alloy, internal cable
fork: foxter suspension, lockout 100mm
cockpit: foxter alloy set
gruppo: shimano tourney/foxter crank mix 8x3speed
brakes: shimano hydraulic disc 160mm
rim: foxter alloy
tires: cst jackrabbit 29 x 2.10
Sir ano pong mas magandang mtb foxter evans or trinx b700?
trinx b700
Hi sir Ian…ask ko lang po sana kung tappered or non tappered po yung fork ng evans plan ko po sana upgrade yung fork ng evans ko…maraming salamat po!
non tapered lang
sir ian. ask ko lang sana kung pwede na rin tong Foxter Evans 3.0 pang aggressive trails? Iaupgrade nalang? or baka may iba kang suggestions na budget bikes na hindi tataas ng 10k yung price pero mas okay gamitin sa aggressive trails then palitan ko nalang din ng pyesa?
XC trails lang, wag yung trails na may jumps and drops, walang aggressive bike na nasa 10k lang, kung gusto mo aggressive hard tail, mag buo ka nalang, sandugo brusko machete, frame lang 9k na agad
sir ask ko lang, alin ang mas ok, foxter evans, trinx m700 or m1000?, and malaki ba difference sa performance ng 10 speed ng m1000 sa 8 speed ng evans?, thanks po sa feedback.
mas ok talaga 10 speed, kasi mas mahal yun kesa 8 speed e, mas madami ka din gearing na magagamit
Una sa lahat gusto ko magpasalamat sa mga reviews mo idol laking tulong sakin kung anong mtb ang sulit at swak sa budget lalo na’t first time ko bumili ng mtb. Ang dami kong natutunan sa mga videos mo lalo na sa mga parte ng bikes ngayon nabili ko na sa wakas ang first mtb ko ang FOXTER EVANS 3.0 na alam kung worth it kasi shimano na yung derailleur,brakes at yung rotor niya sa shimano siguradong panatag ka..salamat ulit idol π
Sir Ian, kung papalitan ko ang crank ng evans, ano po ang mairerecommend mo na crank na alloy para dun? Yung low budget lang sana. Thanks
non series crank pwede na, pero mas maganda kung Alivio crank
Bro Ian, ano po ang max tire width ng evans 3.0? Plano kong palitan yung stock na gulong yung swak sa pang trail. Salamat π
di ko masasagot
Sir Ian okay lang ba na magpalit ako ng 1x na setup sa foxter evans 3.0 ko. Ano ano ba yung mga pyesa na papalitan? May suggestion kaba na pyesa na affordable pero maganda ang quality? Maraming salamat. Newbie lang po ako sa mountain bike
ok lang yan kung yun ang gusto mo
pinaka mura na ang ltwoo na components kung ganyan
pero kung malaki budget mo mag shimano at sram ka
Sir may bago evans 3.1, bago paint tska decals, ewan ko lang kung ano bago sa pyesa nya?
Pwede po ba tong Evans sa akin na 6 footer? π
Ano po ba mas okay evans or keysto conquest? Balak ko po kasi bumili kaso wala po ako idea kursunada ko po kasi yang dalawa na yan conquest saka po evans
Got My Forxter Evans 3.0 29er for 9,500.00 sa Bicycle World π
sir, pwede po ba i-convert ang foxter evans sa 3×9 cassette type?
sir, pwede po ba i-convert ang foxter evans sa 3×9 cassette type? thanks po.