Subukan natin gawan ng review itong Comodo Stage mountain bike. Bago yata itong modelo ng Comodo para sa 2018.
27.5 ang wheelsize ng MTB na ito, nasa P10k ang presyo, naka hydraulic brakes na at Shimano parts na din.
Comodo Stage MTB Specs
- Frame: Comodo Stage Alloy
- Fork: Comodo w/ lockout Full Alloy
- Headset: Neco
- Handle Bar: Comodo Alloy 720MM
- Handle Post: Comodo Alloy 80MM
- Shifters: Shimano Rapidfire 8 speed
- Front Derailleur: Shimano Tourney
- Rear Derailleur: Shimano Tourney 8 speed
- Crankset: Prowheel
- Bottom Bracket: Axle Sealed Bearing
- Rims: Comodo double wall
- Tyres: Kenda 27.5
- Hub: Comodo Front and Rear Alloy w/ Quick Release
- Freewheel: ATA 8Speed
- Brakes: Shimano Hydraulic Brakes
- Disc Brake: Alloy
- Chain: Maya 8Speed
- Seatpost: With Pillar Alloy 27.2
- Seatclamp: Quick Release Alloy
- Saddle: Comodo
- Cable: Comodo
Okay yung frame, alloy na. Naka-internal cabling na din. Sa loob ng top-tube ng batalya dumadaan yung cable ng shifters. Malinis tignan. Simple lang yung paint job, matte, malinis, at maangas ang dating.
Hindi ko lang alam kung anong sizes ang pwedeng mapagpilian sa MTB na ito. Madami kang kulay na mapagpipilian.
Yung fork naman, may suspension. Full alloy na daw, at may lock-out na din. Okay na yun, mukha namang matino yung fork, parang may preload adjuster na din yata o baka design lang. Hindi ko pa ma-confirm.
Naka 3×8 ang setup nitong Comodo Stage. Tatlo ang plato sa chainring sa harap, 8 naman ang cogs sa likod.
Shimano 8-speed ang shifters, Tourney naman yung front at rear derailleur. Okay na okay kasi Shimano parts na. Naka-hydraulic brakes na itong Comodo Stage.
Yung crank, Prowheel brand. Parang ganito din yung nasa Trinx M500. 42-32-22 ang chainrings nun at alloy na din yung crank arms.
Sa wheelset naman, double wall alloy na yung rims. Aeroic yung brand, ganyan din ang rims na gamit ko ngayon sa CX ko, mas malapad pala yun kumpara sa ibang MTB rims. Kenda na yung tires na medyo malapad, pwedeng pwede sa off road at long rides. Yung hubs, sealed na daw at quick-release na sa harap at sa likod.
Yung ibang pyesa, tulad ng handlebar, seat post, at saddle, mukhang magandang klase na din naman.
Comodo Stage Price
P10,000 ang price na nakita ko dito sa Comodo Stage. Sa Ryanbikes ko lang ito nakikita.
Verdict
Maganda ba yung Comodo Stage MTB?
Sa presyo nya na P10k, maganda na din siya.
Okay yung batalya, alloy na at nakainternal cabling na. 3×8 na Shimano parts na din at naka hydraulic brakes na. Kung bibili ka nito, wala ka ng kailangan palitan dito agad agad kasi as stock, okay na yung setup nya as budget bike.
Kasi kung bibili ka ng bike na hindi pa naka hydraulic brakes, aabot din yung presyo nun sa P10k o baka higit pa. Maaring hindi pa naka-internal cabling yung mabibili mo.
Para sa akin, pwede na.
Leave a Reply