Camelbak Podium MTB Race 2017 Experience


Napagtripan namin ng mga tropa ko na sumali sa taunang Camelbak Podium MTB Race.

Sumali kami para maexperience lang ang ganitong klaseng event. Alam naman namin sa sarili namin na hindi pa kami ganoon kalakas magbike para talunin yung ibang malalakas na riders na sikat na dahil sila din yung palaging nananalo sa mga ganitong event.

Ang kalaban lang namin dito ay yung sarili namin.

Halagang P800 ang registration fee para sa 25km na distance category. P1200 naman para sa 40km distance.

Syempre sulit na kasi ang daming freebie, bawing bawi na sa registration fee. Kaya pinush talaga namin na sumali dito.

Buti na lang at may tropa kami na may pick-up na sasakyan kaya may service kami. Palagi kasing may ganitong MTB event doon sa San Mateo na napakalayo naman kung ipapadyak all-the-way namin para lang makasali.

Sobrang hirap pala ng trails sa San Mateo, at dito sa Camelbak Podium MTB Race 2017 ko naexperience ang pinakamahirap na 25km ride sa lahat.

Last year, nakasali na kami ng kapatid ko sa Windfarm XC Challenge sa Pililla pero walang wala yung 45km doon sa 25km nitong Camelbak Podium.

Sobrang tarik ng mga ahon, mapapatulak ka talaga kung ayaw mo mapwersa ang baga at binti mo lalo pa kung hindi ka naman malakas sa ahunan. Dito andaming magagandang bike na pang ganitong sitwayson talaga; single chainring sa unahan at napakalalaking plato sa likod.

Pero mahirap pa din ang pagtutulak, para kang naghihiking na may akay na bike.

May mga bulusok pa na kung matapang ka ida-downhill mo talaga ng full speed. Pero ako, takot ako e, kaya mabagal at maingat ko yun dinale. Ayaw ko kasi masemplang dahil sa lubak o dulas kaya slowly but surely ang naging diskarte ko.


Wala akong picture ng habang nagra-race dahil hindi ko dinala yung cellphone ko, naisip ko kasi na baka mahulog, o madurog yun kung sakali masemplang ako, o baka naman masyado maputik ung trails na yung tipong lalangoy na kami sa putik.

Hindi ko naman naalala din magdala ng pera. Naalala ko nalang yun nung naubos na yung tubig sa bottle ko kaya kahit may tindahan, hindi ako makabili. Lesson ito para sa akin, next time mag dadala na ako ng hydration bag kapag ganitong mga trail ang event. Namiscalculate ko kasi dahil kapag nagra-ride ako ng 20km e hindi ko naman nauubos yung tubig sa bottle ko. Buti merong water station nung almost 17km na yata ang natatakbo ko.

Sabi sa naisend na rules and guidelines ng Camelbak Podium MTB Race 2017, 3-hours yung cut-off time ng 25km. Yan ang alam ko, 2 hours na nakalipas nasa 10km pa lang ako, wala pa sa kalahati. Grabe no, sobrang bagal ko. Naisip ko na lang na tatapusin ko na lang yung course kahit wala ng finisher medal.

Pag check ko naka 20km na ako at ilang minutes na lang mag 3 hours na, naisip ko kukuha na lang ako ng finisher’s medal sana parang souvenir ba, kaso pagdating ko ng Basekamp, di ko naman mahanap yun finish line. Hindi pala pwedeng dayain yung sa medal.

Sobrang init na noon dahil patanghali na, tiniis ko na lang na matapos yung course at nakita ko yung finish line na paahon pa, tinulak ko na lang dun. Buti at inextend nila yung cut-off time kaya nakakuha pa din ako ng finisher’s medal.

Nagstay pa ako ng konti sa Basekamp, nagraraffle na sila. Nagbakasakali mabubunot pero di talaga ako swerte sa mga ganon. Pagbalik ko kung saan nakapark yung service namin, nandon yung mga kasamahan ko. Hindi na nila tinapos yung course. Naflatan kasi yung isa, may patch kit pero walang pump, last 5km na. Yung isa naming tropa nakiramay na lang kaya di na din tinuloy.

Saka naman umulan, pero sakto lang tapos na yung event. Edi gugulong sana kami sa putik kung sakaling umulan bago yung event o habang nasa track kami.

Mahirap, pero masaya. Sulit ang bayad, experience na kahit may pera ka, hindi mo mabibili basta basta. Panigurado sasali ulit kami dito, at baka mas madami na kami ng mga ka-bike ko.


  •  
  •  
  •  
  •