Brusko Kalis Test Ride sa Eastridge Sandugo Trail

Test ride lang ng hindi pa narerelease na Sandugo bike

Nainvite ako ng Brusko aka Sandugo Cycling para i-test ride yung bago nilang bikes na Brusko Harpoon carbon XC frame, at yung Brusko Machete aggressive hardtail frame.

Hindi ko inexpect na makikita ko din yung Brusko Kalis na upcoming full suspension bike nila. Yun na lang tuloy ang ginamit ko para mag lap sa Sandugo Trail sa may Eastridge Athletic Park doon sa may Binangonan, Rizal.


Hindi ako sanay mag trail talaga pero iba ang feeling pag yung bike na gamit mo ay built for trails talaga. Ang sarap gamitin. Dati pag ako lang nagtatrail dito sa lugar na to, mas madami pa yung akay ko sa descents at tulak sa uphills e, pag gamit ko yung bike ko.

Ngayon ko lang na-enjoy na tirahin itong trail na ito dito sa Rizal.

Hindi ko pa alam kung magkano ang magiging price nitong Brusko Kalis fullsuspension frame, pero siguro baka mas mura kesa sa Rurok Cordillera na full suspension frame din.

Yung Brusko Harpoon na gamit ng Team Sandugo racers, magaan nga talaga.

Yung Brusko Machete naman, sinubukan ko din sakyan pero hindi ko na sinubukan pa ipang-trail kasi pagod na din ako maghabol sa Team Sandugo. Pero masarap din sakyan yung Brusko Machete.


  • 196
  •  
  •  
  •  
    196
    Shares