Bike, Trek, Swim. Yan talaga ang ginawa namin sa recent ride namin.
Kahapon, nagride kami papuntang Three Falls, sa may Sta. Maria, Laguna. Sakto lang dahil summer, maliligo sa falls, para beat the heat na din.
Sa may Bugarin kami dumaan, umahon muna para bulusok na lang hanggang makarating sa intersection ng Sta. Maria, Famy, at daan papuntang Jalajala.
Nagrefill lang ng tubig pagdating ng 7eleven, medyo busog pa kasi kami noon dahil kakatapos lang din mag-agahan sa may Tita Carmen’s. Wrong move, dapat pala ay kumaen muna kami. Wala din kaming baon na pagkain, wala pa naman nabibilihan ng tanghalian pagdating ng Three Falls. Meron lang nagtitinda ng pancake, halohalo at kikiam.
Pagdating dun sa kanto na paliko sa Three Falls, mahaba din yung daan na medyo may uphill pala hindi mo lang halata dahil batuhan yung daan. Nung pauwi ko lang narealize dahil downhill na sya sa batuhan. Pero masarap yung feeling na nagbibike ka sa lugar na di mo alam, at maganda pa yung scenery. Malilom din naman dahil madaming puno along the way.
Kapag nakita na yung school ng Laurel, malapit na. Konti na lang makikita na yung basketball court at iyun na yon.
Pagdating ng Marilag Eco Park, merong babayaran na entrance fee, P20 isa at parking fee na P10 para sa 2-wheels na sasakyan. Not bad na sa P10 na bayad para sa magbabantay ng bike. Wala kami dalang lock noon. Balak pa naman sana namin dalhin yung bike namin sa pagttrek, buti hindi namin sinubukan dahil uphell din yung lalakadin papunta sa mismong mga falls. Wala naman gumalaw dun sa mga bikes namin.
Sabi, 20 minutes daw yung lalakadin at depende kung mabilis maglakad kaya ng 15 minutes. Grabe ang hirap akyatin, nakakapawis din, akala mo di na matatapos. May hagdan naman, may river crossing sa bato ka tatapak, meron din hanging bridge na dadaanan. Imagine the challenge kung naka-cleats shoes ka, ang hirap itapak sa batuhan na madulas. Mas maganda kung may baon kayong tsinelas.
Merong CR kapag malapit na sa mismong falls. Doon kami nagbihis. Meron din doong gripo na pwede inuman yung tubig.
May mga iba pa na turista na nagpupunta dito lalo na kung summer.
Maganda ang view, malamig ang tubig, maaliwalas, malayo sa polusyon ng kalsada.
Madami din palang pumupunta dito sa Three Falls. Tourist spot nga talaga yung lugar na ito, hindi nga lang ganon kasikat masyado.
Malamig yung tubig at malinis din. Masarap babaran dahil nakakatanggal ng init sa pakiramdam. Refreshing.
Meron pang spot sa taas ng tatlong falls na ito na pwede akyatin. May falls din at mas malalim daw yung tubig. Meron na nga lang nauna sa amin na grupo/pamilya doon kaya dito na lang kami sa baba.
Sandali lang din kami dito, nagpahinga at nagbabad lang, pagkatapos ay umuwi na din. No need na magbanlaw dahil malinis naman yung tubig, hindi malagkit, hindi din makati.
Strava Ride
Eto yung ride record sa Strava, in case need nyo ng guide kung paano pumunta sa Three Falls. Medyo mahirap din kasi sya kapain, pero buti nalang madali lang magtanong tanong sa locals doon at ilang beses na din kami naka-ride sa route na ito ng Sta. Maria, Laguna.
Enjoy!
I LIKE READING YOUR BLOGS. BEFORE SA YOUTUBE LANG AKO NANUNUOD. NGAYON KAHIT NASA OFFICE AKO MA UUPDATE AKO SA MGA BLOGS/VLOGS MO.