Window Shopping sa Decathlon Alabang


Minsan lang ako magkaroon ng pagkakataon mapasyal sa Alabang, kaya hindi ko na din pinalagpas na hindi mabisita ang shop na Decathlon sa may Festival Mall sa Alabang.

Medyo “hyped” kasi ito nung unang bukas niya. Madaming bikers ang naging interesado sa mga pang-bike na binebenta dito. Mura kasi at galing abroad ang mga produkto.

Bukas ito araw araw ng 10am-10pm. May dalawang entrance, yung isa ay mula sa loob ng mall sa may upper ground floor at yung isa naman ay mula sa labas malapit sa Shopwise.

Medyo mahaba ang post na ito, sing haba ng pagtambay ko sa mga isle ng mga cycling products.

Hydration Bag

Ito yung unang bubungad sayo pagkapasok mo palang galing sa loob ng mall. Dito lang pala ako makakakita ng mura pero quality ang design na hydration bag. Mura na nya para sa P1300, may bladder na din kasing kasama. Maganda pa ang design. Sakto ito para sa mahabang rides, lalo na sa bundok. Hindi ka na kukulangin sa tubig, madami ka pang pwedeng mabitbit at malagay sa bag.

P480 naman ang halaga kapag bladder lang ang bibilihin mo. Sa 1liter yun, kapag 2 lites, P550. Hindi sya yung ordinary bladder na kulay blue lang e, medyo hawig sya ng style sa bladder ng Camelbak. Meron pang ibang style ng hydration bag, mas malaki kaya lang mas mahal nasa P3000 na.

Btwin Bikes

Madami ding bikes na available dito sa Decathlon. Ibat iba, mountain, commuter, touring, road bike at mga pambata na bikes. Matic na Btwin ang tatak.

Itong hybrid bike, P8000 and SRP nya. Pwede ng commuter, pang ikot ikot sa subdivision o kung saan pa man. Sunrace ang pyesa, 6-speed na gripshift at ordinary brakes lang. Bakal pa yata ito at yung fork lang ang alloy.

Meron pang isang modelo na tig P10500. Ito naman, 8-speed na, at trigger style na yung shifters. Ganun pa din yung brakes.

May MTB na tig P12000 at P13000. May suspension sa unahan kaya lang hindi pa naka-disc brake at gripshift pa lang din ang shifters. Medyo mahal ito kasi sa kalahati ng presyo nun makakabili ka na ng naka-disc brake at comboshifters, alloy din, sa ibang brands.

May tig-P20000 na MTB na nakadisc brake, tapos Sram X3 ang pyesa, may lock-out na ang fork kaya lang hindi pa naka-hydraulic disc brakes. Sa presyong ito, makakakuha ka na ng entry-level na big name brand na bike na may hydraulic brakes.

Meron din tig-P30000, mas maganda na ang pyesa pero parang talo pa din e.

Biglang tumalon naman ang specs sa sa tig P33000 na bike kasi yung fork naging Rock Shox na. 2-by pa yung setup ng drive train. Kaya lang para sakin, medyo sablay pa din sa ibang pyesa.

Nasa P15000 ang pinaka murang road bike dito. Alu frame at hi-ten fork. Medyo knobby yung tire, so parang CX sya or comuter na nakadrops. Isa lang yung chain ring sa unahan at hindi pa naka STI.

Yung sumunod na road bike ay P20000 na. Alu frame na at carbon fork. Naka STI na pero Microshift yung levers. 2 na yung chainrings sa unahan at may 700x25c na tires.

Meron din naman naka Tiagra na groupset at RS11 na wheelset. P45000 ang SRP.

Yun namang naka Shimano 105 na groupset at may wheelset na 20/24 ang spokes ay nasa P55000 na ang SRP. May cleats pedal na din na kasama.

Meron ding folding bikes na P8000 yung pinaka mura hanggang P10000 at P16000.

Sa totoo lang, hindi ko mairekomenda ang bumili ng bike kapag ang shop ay nasa mall. Dahil medyo mas may kataasan ang mga presyo dito. Maganda naman ang brand na Btwin, kilalang pangalan sa ibang bansa, kaso medyo mahal para sa akin ang mga SRP ng bikes nila dahil maari ka pang makahanap ng ibang bike na may mas mataas na pyesa sa parehong halaga o mas mura pa. Yung frame siguro ng Btwin bikes ang mahal din.

Dito lang din ako nakakita ng pwede mo testingin sakyan yung bike, bibilihin mo man o hindi. Yung mga bata nga ginawa ng race track yung mga isle. Nakahelmet pa. Plus points sa Decathlon dahil meron silang try before you buy sa bikes.

Hydration Bottle at Bottle Cage

Madming bottle cage na ibat iba ang kulay. Plastic lang pero mukhang matibay naman na plastic. Makapal. May nakita pa ako na nakalagay sa print na may warranty daw ito ng 2 years. P150 ang SRP, wala lang kasamang screws.

650ml, madaming kulay na pagpipilian. Mura lang P110 lang ba naman, halos kagaya lang ng presyo ng hindi sa mall. Wala lang takip at hindi insulated pero hindi na masama. Napabili nga ako nito, di ko natiis kumuha ng isa. Walang malakas na amoy plastic.

Meron pang tig-P280 naman. 500ml lang, pero mukhang mas malaki siya. Insulated na yata ito kaya mas mahal, may takip na din.

Sunglasses

May mga cycling sunglasses din na P190 na yung pinaka mura. Libo na inaabot nung iba, kumporme sa modelo yata at mga kasamang accessories pa ng salamin.

Helmets

Pinakamura nilang helmet ay P600. Maganda sana, may mga sizes din, pang MTB, kaya lang walang adjuster sa likod para sa secured na fit sa ulo.

Yung sumunod ay tig P1500 na, may adjuster na, hardshell na ang outer casing at mas maganda ang porma.


Meron ding helmet ng pang road bike, nasa P1300 at P1900 ang presyo.

Hand Pump at Floor Pumps

Dito ako nakakita ng murang hand pump. P100 lang yung pinakamura. Mura na ito dahil yung pinakamura sa Quiapo na handpump, ay tig P150. Giyo ang tatak nun, ito Btwin.

May mas mahal na hand pump din, at meron din mga floor pumps. Madami ka mapagpipilian.

Cyclocomputers

Nakakita din ako ng murang cyclo computers. Btwin ang brand syempre. Dahil pasok ito sa budget ng mga pinsan ko, nagpabili na sila sa akin nito.

Merong tig P420, sa halagang yun, ang mabibili mo lang sa Quiapo ay Sunding yung brand.

Meron ding tig P800. Wireless naman yun. Puro basic bike computers lang ito na magnet type. Hindi na masama dahil mura lang naman kung gusto mo ng madaling paraan para makita ang speed at distance ng pagbibike mo.

Kung nawalan ka ng magnet, may nabibili dito.

Gagawan ko ng review itong mga bike computers na ito sa bukod na post.

Bike Trainer

May bike trainer na tig-P68000. May remote na ito at magnetic resistance.

Meron ding binebenta na riser block, P480 naman ang SRP nun.

Bike Scarfs

May bike scarfs din na tig P150. Mas makapal ito kumpara sa murang nabibili sa tabi tabi.

Bike Tools

Meron ding mga bike tools.

Saddle Bags

Madami ka din mapagpipilian sa mga saddle bags. Ibat ibang size, ibat iba din ang presyo.

Gloves

Ganun din sa gloves, ibat iba din ng presyo. Madaming size na mapagpipilian, madami ding design. Dito nga ako nakakita ng aero gloves, yung gloves na medyo mahaba at walang straps.

Cycling shorts at jerseys

Hindi din mawawala ang mga cycling shorts at cycling jerseys. Merong pang babae at meron ding section na puro pang lalaki.

May cycling shorts din na mahaba, yung 3/4 ang style na lampas tuhod.

Meron din shorts na pang MTB.

Meron ding bib shorts.

May drifit shirts na pwede mo palang ipacustomize at patatakan mismo sa store.

Inner Tubes at wheelsets

May mga binebenta din na inner tubes na ibat ibang size. Merong 20, 24, 26, 27.5, 29, at 700c.

Akalain mo yun, pati wheelset meron din. P1500 ang SRP ng isa, harap o likod. 700c wheelset ito.

Mud guards

May mudguards din na mabibili dito. Iba iba din ang style, merong mud flaps lang at meron ding full mud guards.

Bike Stand

Yung stand na nakakabit sa bike, iba ibang size at style, meron din.

Waterproof Jacket

Pang rain or shine na ride.

Bike lights, lock, bell

P100 ang pinakamurang bike lock. Kaya lang, ang consensus, wag masyado dumepende sa mga cable locks lalo na kung nasa lugar ka ng may tumitira talaga ng bikes.

Meron ding bells na pang busina, at mga ilaw din pang night ride.

Bike Shoes

Meron ding shoes pang road na may saksakan ng cleats. Btwin ang brand syempre.

Meron ding pang MTB na may cleats din, at meron din namang flat lang.

For Kids

Meron ding isle na para sa mga bata ang bikes at pati accesories.

Racks and Panniers

Kung bike touring ang trip mo, o may long ride ka na mahaba talaga, meron ding section ng mga bike racks at panniers dito. Ibat iba ng style, ibat iba din ng price.

Misc

May konting pyesa din ako na nakita dito. Tulad ng cogs, gripshift shifters, brake pads, missing link, cables, cable housing, at iba pa.

Meron ding bar tapes at handlebar grips. Meron pang bar end grips din.

Meron ding saddle, at seat posts.

So ayun, hindi lang mga bike products ang meron dito sa Decathlon. Madami pa, para sa iba pang sports at activities meron din. Sayang lang at isa pa lang yata ang branch nila.

Kapag bumili ka dito, tatanungin ka sa cashier kung gusto mo mag member. Kailangan mo lang ibigay ang email mo, libre din naman. May free ka pang shopping bag, warranty sa mga items na may warranty, at access sa play area nila. Walang dahilan para hindi ka magpa-member.

May mga products na mas mahal talaga at makikita mo na mas mura sa iba. Pero meron din namang halos di nalalayo sa price ng iba at merong mas mura pa. Ang hirap pala magtambay dito, magkakasakit ka, mapapabili ka talaga.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. JJ October 29, 2017
      • Ian Albert October 29, 2017
    2. dan February 2, 2018
      • Ian Albert February 9, 2018
    3. Chrish November 6, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
        • Chrish November 24, 2018
          • Ian Albert November 26, 2018
            • Chrish December 4, 2018
            • Ian Albert December 5, 2018
            • Chrish December 7, 2018
            • Ian Albert December 7, 2018

    Leave a Reply to dan Cancel reply