Bike to Palo Alto via Pinugay, Baras, Rizal


Yung first time ko na mai-bike ang papuntang Palo Alto na manggagaling sa mismong bayan ng Baras, Rizal ay nung halos wala pang isang buwan ng makabili ako ng mountain bike. Mahirap ang mga ahon at mahaba habang padyakan.

Natripan namin na i-bike muli ito, pero this time iba ang naging daan namin. Nung una kasi, more on kalsada lang na may sementado at meron ding lubak lubak. Yun pala yung daan ng Baras-Lagundi. Yung dinaanan namin nitong nakaraan lang, iba. Sa bundok talaga, wala ng kalsada. Maputik, pero masaya.

Sa simula, puro kalsada lang ang daan at puro paakyat din. Medyo makulimlim at may ambon nung araw na magride kami kaya maputik yung daan, pero ok na din dahil hindi mainit.

Hanggang sa dumating na kami sa daan na naputol na yung sementadong kalsada. Wala na din network coverage, buti na lang at naisipan kong i-search sa Google Maps yung daan papuntang Palo Alto at hindi ko nai-exit yung app. Kaya kahit walang signal, nagagamit pa din naming gabay ang GPS para hindi kami maligaw sa bundok.

May mga part na sobrang putik talaga. Kakapal yung gulong mo sa putik. Okay lang sana kaso nagiging madulas na pag ahon. Itutulak mo na lang talaga. Kahit tinutulak mo, kumakapal pa din yung putik sa gulong at syempre pati na din sa sapatos.

Kaya pala maputik yung daan, nasa may Sitio Putik na pala kami.

Opposite side lang nung basketball court itong may sign na Montana Verde. Hindi namin alam kung ano ang nasa kabila ng gate na yan.

Sa totoo lang, mas naenjoy ko nung ang nakikita na lang namin sa paligid ay mga puno at damo. Walang sasakyan, usok, at polusyon.

Sarap talaga piktyuran ang mga kasamang nagtutulak. Hindi kasi makukuhanan ng picture yung aktwal na tarik ng daan, pero kapag nagtulak na yang mga kasama ko, sobrang tarik na talaga. Pero mas nakakapagod pa din ang magtulak.

Hindi na pala kasi nagpapadaan sa Philcomsat, sarado na para sa mga sibilyan. Kinailangan tuloy namin mag detour, umikot pa at sa bundok mismo dumaan. Masyadong malayo na din para sumuko kami at bumalik pauwi, sayang naman yung ride kaya naghanap na lang kami ng ibang daan,

Sulit na din dahil sa magandang view, tanaw din kung nasaan kami ang sikat na Masungi Georeserve.

Sinusundan na lang talaga namin ang landas na nakikita namin para hindi maligaw.


May napagtanungan pa kami na sinabi, may madadaanan kaming fish pond. Fish pond sa bundok?Parang nakakahinala, pero meron nga pala talaga. May namimingwit pa nga nung dumaan kami.

May portion pa na kailangan naming tumagos sa masukal na daan na ito. Hindi mo alam kung ano ang bubulaga sa iyo sa kabila.

May nakita din kaming source ng tubig, mukhang malinis naman at malinaw. Malamig daw sabi ng tropa ko, pinanghilamos nila pero hindi namin ininom. Maaring galing ito sa bukal, pero wala kaming ideya.

Nung makaikot na kami sa Philcomsat, nakarating na kami ng Pinugay, at sa wakas ay kalsada na uli. Isang ahon na lang at makakalabas na kami ng Marilaque highway.

Itong ahon na ito ang pinakamatindi sa lahat, mahaba at sobrang tarik habang papadulo na. Kapag tumukod ka dito, hindi ka na makakasakay, tutulakin mo na. Pwera na lang kung gusto mo magsimula uli sa baba.

Paglabas dito, kakanan na lang at yun na ang papuntang Palo Alto.

Laking tuwa namin ng matuklasan naming meron na palang mabibilhan ng pagkain dito. Maraming salamat sa Anielle’s Feed Zone. Kumain kami dito, mabait ang mga tao nila, masarap at abot kaya din ang pagkain. Kumbaga, biyaya para sa mga bikers ang pwesto nila.

Nagpicture na lang sa labas ng Palo Alto, sumilay kay Bea, at umuwi na din. Wala naman talaga kaming balak pumasok sa Palo Alto. Trip lang namin pahirapan ang mga sarili sa ahon. Nung pauwi na kami, sa may Baras-Lagundi na kami dumaan para hindi na namin daanan ang bundok na tinahak namin nung papunta. Mabilis na lang din dahil halos puro bulusok na yung pabalik ng Baras.

Tips

Kung nagbabalak kayo na tahakin ang ride na ito:

  • MTB lang, bawal road bike. Cyclocross pwede pa siguro pero depende sa gulong.
  • Kung sa tingin nyo ay aabutin kayo ng tanghali sa bundok, dapat handa kayo, may baon kayong makakain. Kung mainit naman ang panahon, dapat may sapat kayo na tubig. Wala na kasi mabibilihan doon pag nasa loob na kayo ng trails.
  • Unli ahon to, kaya dapat handa ka sa mga ahunan.
  • Kapag maulan, maputik ang daan. (basic)
  • Mag open na agad ng Google Maps at huwag i-close para may pang navigate kayo at di kayo maligaw.
  • Huwag nyo na subukan dumaan sa may Philcomsat, aka “Radar” kung tawagin ng mga locals dahil hindi din naman kayo papadaanin.

Masaya at masarap talaga kapag bundok ang pinapadyak. May kakaibang sarap na dulot ang pag-appreciate sa kagandahan ng ating kapaligaran. Syempre mas masaya kung may mga kasama. Balak namin balikan uli ito pero mas madami na kaming isasama.

Heto ang Strava record ko para sa ride na ito:


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Joecon Concepcion June 13, 2018
      • Ian Albert June 13, 2018

    Add Your Comment