Bike Demo Day 2017


Gumala sandali sa Alabang nung nakaraang buwan para maranasan naman na makapunta sa Philippine Bike Demo Day 2017.

Ang daming bike at bikers.

Libre yung event. Walang entrance fee.

Pwede ka humiram ng mga bikes para ma-experience mo din na masakyan yung ibat ibang bikes mula sa ibat ibang brands. Dapat may dala kang helmet.

Madami ding nakalatag na mga gamot para sa mga may sakit ng upgraditis.


May mga pa-raffle pa at pamigay na papremyo. Mainit pero masaya, mas masaya pala din ito lalo na kung madami kang katropang kapadyak na kasama.

Malas ako sa mga raffle pero buti at may pa-trivia pa. Kapalan na lang ng mukha at pinalad makasagot. Nakaakyat ng stage, nakapagpromote pa ng website. Nanalo din ng flashlight pang bike. Mahina nga lang yung ilaw. 😀 Hindi pa yung folding bike frame o kaya yung Specialized Prevail Helmet na orig ang napanalunan.

Next year ulit.

First vlog ng Unliahon nga pala itong video na ito. Sana sipagin pang gumawa muli ng iba pang vlogs na may kinalaman sa bike at sana mag-improve pa. Subscribe na din kayo sa Youtube channel ng Unliahon. Maraming salamat kapadyak, ride safe lagi.


  •  
  •  
  •  
  •