Basic Ahon Tips for Beginners

by

in

Kung baguhan ka pa sa pagbibike at medyo nahihirapan ka kapag may ahon ang mga rides nyo, ang video na ito ay para sayo. Nagshare kami ng mga basic tips na makakatulong para maka-survive ka sa mga uphills.

Nai-shoot namin ang video na ito habang umaakyat ng Bugarin. First video namin ito at balak pa naman iimprove sa mga susunod na videos.

Kung may Youtube account ka, please subscribe sa UnliAhon Youtube channel. Click the  icon na din para kapag may bagong upload ang channel, ma-notify ka kaagad at wala kang mamiss na updates.

Kung meron kayong dagdag na tips para sa pag ahon gamit ang MTB man o Road Bike, wag mahiya ishare sa comment section sa baba, makakatulong ito sa iba pang makakabasa.

Ikaw, kamusta ang first time mo na makaranas ng uphill? Ako kasi, hirap na hirap din ako nung una. Kakabili ko lang ng bike tapos sa ahon agad ako dinala ng mga tropa ko. Di ko kinaya at naubusan ako ng padyak. 😀 Sa una lang talaga pala yung ganun dahil pagtagal masasanay din. 🙂

Kung may topic pa na gusto nyong gawan namin ng video, let us know lang sa comments.


Comments

6 responses to “Basic Ahon Tips for Beginners”

  1. Well played. Very helpful tips para sa mga baguhan!
    Pag may ahon may Lamon!

  2. Gerald Buoy Cadiz Avatar
    Gerald Buoy Cadiz

    Salamat sa mga ganitong tips pinoy na pinoy at mas naiintindihan hehe. Nakahanap din ng pinoy na blog about cyling MTB RB. Ito nga po pala yung mga gusto ko sana gawan nyo din …
    -Proper clothes or tamang pagsusuot ng Protective gear(helmet,jersey etc,)
    -Proper maintenance or pag linis ng bike,
    -Tips para sa pagbibili ng bagong bike Low budget & Yayamanin budget, haha
    -Easy tips para mag mukang PRO Cylist haha
    -How to know your proper seat height saddle (tips din para sa performance)
    -Ways or Hacks to improve your performance
    -Easy tips to adjust your Front/Rear gears (Derailluer) & Brakes,
    -Cheap MTB upgrade for TrinX M136 (ito po kasi yung mabili at tamang tama sa budget at para maguide narin kaming mga newbies hehe)
    -Pedaling techniques (lalo na yung naka tayo hehe)
    -Long ride tips RB/MTB
    -Trails tips and set up for MTB.
    -Cheap MTB vs. Rich kid MTB hahaha (also RB na rin pala sir)

    sir yan sana gusto ko madagdag hehehe sensya na daming kong request hahaha! Salamat.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      salamat sa mga ideas Gerald, welcome sa site. kailangan talaga namin yan mga suggestions na ganyan hehe.

      1. Gerald Buoy Cadiz Avatar
        Gerald Buoy Cadiz

        Salamat din po sir Ian, baguhan lang po kasi ako gusto ko maintindihan ng maiigi para ready na ako kung palarin man makasama sa mga cyclist. 🙂

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          enjoy lang at ride safe lagi, wag mahihiya makisama sa mga ibang cyclist kahit di mo kakilala, makipag kaibigan ka lang, pare parehas naman tayo lahat may shared passion kumbaga.

  3. Gerald Buoy Cadiz Avatar
    Gerald Buoy Cadiz

    Add ko na rin pala yung tips about sa Hydration Bag, minsan kasi lasang goma yun haha para mawala pwede nyo haluan ng lemon lime sa loob para mas refresh ang lasa at pwede ring ilagay sa ref para magkaroon ng onting yelo na maliliit ba, dagdag tubig narin pag natunaw haha. onti lang naman siguro ang dagdag ng bigat nun sa ride.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *