Last October 28, 2018, sinubukan ng mga Pinoy bikers na agawin ang Guinness World Record sa Longest Single Line of Bicycle Parade na hawak ng bansang Bangladesh, na may record na 1186 na bikers.
Sumama kami doon at ito ang vlog ko para sa event na yun.
Pinadala ko sa kaibigan natin na si Ger Victor, aka Bald Trekker yung Rurok Kanlaon na bike at sumabay na din sa kanya papunta ng Pampanga para makasali lang sa event na to.
Sumama yung kapatid ko kaya sa kanya ko na lang pinagamit yung bike para makapagparticipate sya sa actual attempt.
Bakit hindi na-beat yung record?
Yan ang tanong ng madami.
Simple lang, hindi kasi nasunod yung guidelines ng Guinness na dapat hindi maputol ang linya.
Nagkaroon ng putol at mga gaps sa ibat ibang bahagi ng linya na ginawa sa parada kaya hindi na-beat ang dating world record sa kabila ng dami na sumaling participants.
Ito yung ilan sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng mga gaps sa formation ng line:
- Takot yung ibang riders na bumuntot sa nasa unahan. Hindi sanay na may malapit na distansya sa nasa unahang rider.
- Iba iba ng wheel size ang mga bikes na ginamit ng mga sumali. Yung maliliit na wheel size, medyo hirap sumabay sa pace.
- May mga gumagamit ng sobrang gaan na gearing. Dapat kasi yung saktong gearing lang talaga kahit mabagal lang ang cadence.
- May mga umaalis sa linya dahil hindi na kinaya ang uhaw at ang init. Yung gap na ito, kailangang habulin at dahil dito, kailangan mag accelerate ng mga kasunod para mapunan lang yung gap. Yung speed na kailangan, paakyat ng paakyat hanggang sa nasa likod kaya halos umabot na ng takbong 30kph ang kailangan na gawin ng iba para lang makadikit dahil sa delay sa reaction time.
- Hindi maganda yung road condition, merong descent kaya hirap talaga yung iba na mag maintain ng close gap sa nasa unahang riders. Hindi din nai-sarado ng tuluyan ang road access kaya may dumadaan din na mga sasakyan sa kalahati ng kalsada.
Parang madali lang gawin yung record, pero sa totoo lang, mahirap talaga.
Madaming mga kakulangan sa event na ito, sa side ng organizer, at sa mga sumali na din.
Sa napansin ko, nagkaron ng delay sa timetable ng event dahil sa tagal ng pagpapapila sa mga participants. Kailangan din kasi na nasa tamang ordering ang bawat bib numbers ng mga kasali as stated sa guideline ng Guinness. Kaya lang, nagka issue dahil yung ibang participants na kumuha ng number at shirts ay wala na, nagsiuwian na, nagpunta lang para mag-claim ng jersey.
May mga newbie din na sumali na hindi alam yung dapat gawin, sumama lang dahil akala nila fun ride lang yung gagawin, hindi alam yung actual guidelines na dapat sundin.
Nag alisan din sa formation yung ibang riders na nauhaw na dahil hindi napainom ng tubig. Pinagbawal kasi ang may water bottle sa ride, pero tingin ko dapat hindi na ginawa yun.
Meron naman daw palang dapat na ibibigay na tubig pero hindi naibigay sa mga riders dahil walang nagbigay o nag asikaso nito.
Sa side ng organizer merong mga pagkukulang talaga, kahit ako aminado dyan, napansin ko yan.
Nung gabi, wala man lang program na ginawa sana para naman hindi masyadong pagod at puyat yung mga nag camp-out sa venue.
Sa totoo lang, kung record lang yung mismong focus ng event, malulungkot talaga tayo kasi hindi natin nakuha e.
Pero pwede naman na maging secondary thought na lang yun, mas importante pa din na nagkaroon tayo ng event para sa mga bikers.
Nagkaroon pa din ng raffle pagkatapos, madaming bikes din yung pinaraffle at madami pang ibang mga prizes din.
Nakatulong pa din naman sa charity ng event na Hospicio De San Jose kahit na walang bayad yung event. May mga funds pa din na na-raise at naipon na mga donations na ibingay sa Hospicio De San Jose, ang isa sa mga oldest charitable institution dito sa Pilipinas.
Nakausap ko ang Trinx Bikes, next year may binabalak na naman ulit sila, at doon mas alam na nila ang dapat gawin. Lesson itong event na to para sa lahat, pero all-in-all, accomplished pa din naman ang Trinx dahil nagawa naman ang purpose ng event na to: mapag sama sama ang biking community at makatulong na din sa charity.
Yung sa Bangladesh na attempt naman kasi, walang Guinness Judge/Adjudicator na nagpunta doon. Nagrecord lang sila ng video at pinadala sa Guinness kaya kahit madaming try ang gawin nila ay ayos lang hanggang hindi nape-perfect.
Sa susunod na mga attempts daw ay ganyan na lang din ang gagawin natin.